Walang Imposible

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

9rmcjhqcva.jpg

Kay sipag ng pagpatak ng ulan. Ilang araw na nitong pinapalamlam ang damdamin ng paligid. Nag-uutos itong kahit minsan bumagal man lang ang takbo ng oras sa henerasyong lahat ay nadadaan sa mabilisan. Kay lamig ng mamasa-masang hangin at hinihikayat kang magbalot sa kumot at damhin ang lambot ng mabangong higaan. Sa ganitong panahon sino ang hindi mapapapikit at kakalimutan kahit sandali ang nagmamadaling buhay.

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo

Mataman niyang binabaybay ang gilid ng kalsada. Ingat na ingat hindi dahil sa panaka-nakang pagbulaga ng mga sasakyan kundi dahil sa may kadulasan ang daan at hindi niya makontrol ang pag-inog ng mga gulong ng kanyang kariton. Bagaman siya ay basang-basa patuloy niyang hinihimig ang isang awiting nagbibigay sa kanya ng sigla.

Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo

Kalakal. Lata. Plastik. Tanso. Mga walang halagang kayamanan. Hinalungkat niya ito sa tambak ng mga basurang umaalingasaw sa baho dyan sa tabi-tabi. Manhid na ang kanyang ilong sa nakakasulasok na amoy. Bihasa na siyang makahawak ng mga nakakadiring bagay na hindi gugustuhin ng sinuman ni masalat man lang. Ang mga patapong bagay na ito ang nagbibigay buhay sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo

Alas tres pa lamang ng hapon subalit kay dilim ng langit. Nagtatampo si haring araw at pinagmamaramot ang kanyang init at liwanag. Subalit kahit ganito ang kalagayan ng panahon kailangan niyang magbanat ng buto. Walang mabangong higaan kung saan yapos-yapos ang malambot na unan. Walang kumot na bumabalot at magbibigay ng komportableng pakiramdam.

Pakanta-kanta lang
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!...

Nilagpasan niya ang isang matandang lukot na ang pisngi. Mas matindi pa sa nilamukos na dyaryong pinangpahid ng ebak ang pag-aalala sa mukha nito. Mapera si mamang. Batid niya ito dahil sa tatak ng sasakyan nitong baliktad na titik "y" na nakakulong sa isang bilog. Ang itim niyang buhok ay hindi nababagay sa makinis subalit laylay ng mga balat. Bakas ang ebidensyang nagtitina ito.

Pakanta-kanta lang
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!...

Panatag ang kanyang loob subalit bigla itong nabagabag. Gumuhit sa kanyang isipan ang itsura ng umimpis na gulong at ang hukot na matandang nakapayong na panay ang tsk! tsk! tsk!. Ilang metro na rin ang layo niya ng linguning muli ang matandang lipos ng pag-aalala habang nakatanghod pa rin sa nakatirik nitong chedeng.

Tumingin siya sa langit na kay tabang ng emosypn. Binwelta niya ang kariton. At, pagkanaka ay nasa tabi na siya ng matanda. "Mayroon ka diyang mga gamit madam at ekstrang gulong?", wika niya ng buong giliw. Ang matandang di mawari kung magugulat ba o mahihintakutan sa nalilimahid subalit matikas na lalaki ay walang nagawa kundi sumagot ng "Meron Apo"

Pakanta-kanta lang
Walang imposible
Woo oh oh wo oh oh oh

Nang sa wakas ay natapos na. Napalitan na ng bago ang gulong. "Sige madam mauna na po ako", buong giliw niyang pamamaalam at mabilis na hakbang palayo.
"Iho para sa iyo", sabay abot ng sobre ng yayamaning lola.
"Salamat po pero hindi ko po kukunin iyan", at itinulak ng kanyang mga palad ang gegewang-gewang na kariton.

"Anong panagalan mo apo", napabunghalit ang matanda
"Jimmy po", sumaludo pa sya sa matanda kaakibat ang matamis na ngiti. Tumalikod at muling kumanta.

Walang imposible
Woo oh oh wo oh oh oh

MAINIT NA KAPE. Sipsip. Higop. Lunok. Lagok.
Pangalawang kape na ito ng matanda. Hindi mapayapa ang kanyang kalooban dahil sa kabutihang kanyang nakamit mula sa isang estranghero. Maraming de kotse ang dumaan pero ni isa man walang nag-abalang tumigil o balikan siya para tulungan. Nauulinigan niya ang pagkanta ng lalaking iyon.

Woo oh oh wo oh oh oh
Woo oh oh wo oh oh oh

Hindi tama ito. Hindi sya dapat nagkakape lang sa kapehang ito. Kailangang meron siyang gawin. Kelangan niyang ibalik ang kabutihang kanyang naranasan. Pero saan nya hahanapin si Jimmy?

Nilisan niya ang kapehan at nagtungo sa kanyang sasakyan. Sa kanyang pagpasok rito ay narinig niya ang kantang

Woo oh oh wo oh oh oh
Woo oh oh wo oh oh oh
Walang imposible

Inaawit ito ng isang batang nagtitinda ng mga kendi at sigarilyo sa ilalim ng isang malaking makulay na payong. Samantalang ang ina nitong buntis ay abala sa pag-aasikaso ng mga bumibili ng kakanin at nilagang saging.

Napangiti ang matanda sa itsura ng mag-ina. Bumili siya ng kendi sa bata at inabot ang sobre bilang kabayaran. Pagsakay ng lola sa kotse ay sumaludo pa ito sa paslit at nagbigay ng matamis na ngiti bago tuluyang umalis

"Mama bayad po ng lola sa binili nyang kendi", wika ng paslit sa inang hinihimas ang kumikirot namang tyan.

Kumunot ang kayang noo, nagsalubong ang kilay at tumulis ang nguso. "Junior saan mo kinuha ito", may otoridad niyang singhal sa bata.

"Bayad nga po ng lola. Ayun sya oh. Nakaalis na.", pagpapaliwanag ng paslit sa ina.

Sa labas ng sobre ay nakasulat dito ang mga katagang "Para sa iyo". Naglalaman ito ng dalawampung-libong piso.

Kay sipag ng pagpatak ng ulan. Ilang araw na nitong pinapalamlam ang damdamin ng paligid. Nag-uutos itong kahit minsan bumagal man lang ang takbo ng oras sa henerasyong lahat ay nadadaan sa mabilisan. Kay lamig ng mamasa-masang hangin at hinihikayat kang magbalot sa kumot at damhin ang lambot ng mabangong higaan. Sa ganitong panahon sino ang hindi mapapapikit at kakalimutan kahit sandali ang nagmamadaling buhay.

Sa isang tahanan kinagabihan
Matamang hinahaplos ng isang ina ang buhok ng nahihimbing na kabiyak habang yakap naman nito ang kanilang anak.

Hinihimig niya ang awiting
Woo oh oh wo oh oh oh
Woo oh oh wo oh oh oh
Walang imposible

Siya ay buong ngiting nagwika habang tinititigan ang natutulog na kabiyak, " Hindi na natin kailangan pang problemahin ang gastusin para sa panganganak sa kambal natin mahal kong Jimmy".

Pakanta-kanta lang
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!...

bilang ng salitang ginamit " 972

vszs12qtr3.png

Sort:  

Galing!

Upvoted.

I upvoted your post.

Mabuhay, keep steeming.
@Filipino

Posted using https://Steeming.com condenser site.

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/9cdhjc7

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Kanta ba 'to ni Quest?


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Ang ganda nito! Nakakagaan ng mood. At ang husay na naman ng bagsakan mo ng mga salitaang malulupit! Pangmalakasan, ika nga. Isa ka talagang alamat!

salamat bes.
salamat inyong mga lodi ko :)