#49 Filipino Poetry: "Sarili"

photo-1500239524810-5a6e76344a17.jpg

"Sarili"

Naglalakbay sa lugar na malayo,
puno ng pag-asa at hindi masirang mga pangako.
Ngayo'y kasama ang mga kakilala,
maya't maya ay makakahalubilo ang mga kaibigan.
Mga kaibigan lang na nasa internet nakilala,
mga kaibigan na hindi mo alam kung mabuti o masama.

Mga bagay na ginagawa ay nagawa ng mag-isa,
mga bagay na hindi lubos maisip na makakamtan
dahil lamang may itinanim na katapangan.
Ang saya ng nadarama ay walang masidlan,
bigla nalang may susulpot na kamalasan na kabayaran.

Akala ko'y magtatagumpay na
hindi ako nakahanda kaya ano ba ang aasahan?
Buti nalang hindi lahat nakukuha at binibigay
dahil may mga bagay tayong tinatanggap na hindi natin hinihingi.
Dahil kung ganoon, na ang lahat ay nasa sa'yo na,
matuto kang magbigay sa iyong kapwa.
Hindi mo alam kung kailan mauubos ang lahat,
at hindi mo malalaman kung bakit ito nawala.

Isang araw na naman ang natapos,
sa kabutihang palad marami ang nagawang hindi kapos.
Naubos man ang lahat ng enerhiya sa katawan,
hinding hindi mauubos ang puwersa na nasa kaluluwa, puso't isipan.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

I find it a bit didactic. It lacks imagery, in my opinion.

maybe because it is written in our native language? 😎😎

Nope. When I say imagery, I mean the use of concrete things to signify something abstract--the metaphor that makes the poem a poem.

Nice, nice! :) Una ko pong nabasa ang tula mong may pamagat na "Nagsisisi." Nagustuhan ko kaya I started following you po para updated ako sa latest poems mo. At salamat pala sa paglagay ng list ng ibang poems mo! :)