Bilang magulang, dapat tinutulungan natin ang mga anak natin na mapalapit sa Panginoon para matulungan natin sila na maging handa sa plano ng Panginoon sa kanilang mga buhay. Para hindi sila madadala ng mundo natin, para matibay silang nakatayo sa kung ano ang TAMA at ano ang naaayon sa Salita ng Diyos.
Bilang mga anak dapat nirerespeto natin ang mga magulang natin dahil madaming parte sa Bibliya ang naguutos sa atin na napakahalaga ng pagsunod sa ating magulang. Dahil kung hindi tayo sumusunod sa magulang natin na nakikita natin ay napakahirap na susunod tayo sa Ama natin na hindi natin nakikita.
Ang isa sa mga madalas na ginagawa ng kalaban (Satan) ay sinisira niya ang mga pamilya. Dahil kung sira ang relasyon sa loob ng pamilya, napakalaking posibilidad na masisira din ang indibidwal na buhay ng mga miyembro ng pamilya kaya kung magsisimula din ng pamilya ang mga bata ay napakalaking chance din na masisira ang pamilya nila.
Pero ang magandang balita ay kahit ano pa ang history natin o kahit nasaan tayo ngayon, kung magpapakumbaba tayo at lalapit tayo sa Panginoon ay kaya Niyang baguhin ang buhay natin at ang relasyon natin sa pamilya natin. Kaya sana ngayong araw ay magdesisyon tayong lahat na lumapit at magtiwala sa Panginoon.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)