Magandang araw. Mga kabaybayin ko, alam natin na ang AUI ay ang 3 Patinig ng Baybayin. Pero alam nyo ba na ang AUI ay nagiging AOE? Dahil iba-iba ang bigkas o punto ng mga katutubo sa mga patinig, ang I na tunog E at ang U na tunog O ay naging dahilan para sa ebolusyon ng mga patinig.
Sa paglipas ng panahon, ang mungkahi ni Jose Rizal na gawing lima ang mga patinig ay natupad sa alpabetong Tagalog, ang Abakada. Kaya sa Baybayin, pwedeng gamitin ang simbolo ng I para sa E, ang simbolo ng U ay para sa O naman. Pero noong una, ang sinaunang mga patinig ng Tagalog ay AUI, hindi AOE.
Dagdag kaalaman po mula sa Baybayinista. Isulong na ang baybayin, mag-subscribe na!
i-Like, i-Follow, i-Share
YouTube Channel | Baybayinista
Twitter | Baybayinista
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21