Trabaho para sa lahat

in #bitcoins7 years ago (edited)

     

         Ang hirap maghanap ng trabaho noh? Hindi ka pa nga kumikita sa trabaho mo ang dami mo ng nagagastos para sa requirements. Nakakapagod pa ang pag-aapply at higit sa lahat wala kang kasiguraduhan na matatanggap ka kasi hindi ka qualified dahil sa edad mo,  hindi ka nakapagtapos o wala ka pang experience. Okay lang yan ganyan din ako noon. Hindi nakapagtapos, minor de edad and walang experience sa pagtratrabaho. Huwag kang paghinaan ng loob sa lahat ng pagsubok may kaakibat na opportunidad kailangan mo lang hanapin yun.     

         May pera sa internet sabi ng madami di ba? Totoo yun madaming madaming pera. Mabuti na lang may nakilala ako sa internet na nagturo sa akin kung paano gawin ito. Hindi ko sinasabi na yayaman ka kaagad dito. Kung gusto mo yumaman kaagad tumaya ka na lang sa lotto. Dito pwede ka kumita ng "above minimum wage" na P500 pesos a day. At kinikita ko yun na nasa harap lang ako ng computer, wala ako kausap na ibang tao, hindi ako lumalabas ng aming bahay at kahit anong oras pwede ko itigil yung trabaho, kung pagod na ako o tinatamad ako.    

         Pero teka hindi yan nangyari ng isang araw lang. Pinagpaguran at pinagpuyatan ko din yan upang malaman kung paano kumita dito. So, ano ba ang tinutukoy ko. BITCOINS. Oo bitcoins. Isipin na lang natin siya isang uri ng pera. Pera na nagkakahala ng halos PHP300,000 ang bawat isa nito. Wow! di ba. At ang pinaka WOW sa lahat, may paraan upang kumita nito ng LIBRE Oo LIBRE wala kang lalabas na puhunan. Tiyaga at pagsisikap lang ang kailangan mo. So, paano ba kumita at magumipsa nito? Madami ang paraan para kumita nito, ngunit ang tatalakayin lamang natin yung mga paraan na hindi nangangailangan ng pera.   

        Una, kailangan mo ng Bicoin Wallet.  Coins.ph o Abra ang maaring mong gamitin. Parehas na may bitcoin wallet yan at maraming may mga kaakibat na “features” ito upang ma-“convert” ang bitcoin o BTC sa peso. Nakakarami ang gumagamit ng coins.ph kaya halos sa lahat ng transaction yan ang gamit ko. Nakasanayan ko rin gamitin ito. Ang coins.ph pwede mo ma-access gamit ang “webrowser” sa ”computer” o “app “ sa Android or IOS. Android App naman ang Abra.  Minsan ko lang gamitin ang abra pero maigi nadin na may alternatibo tayo.    

         Huwag kalimutan na i-validate ang inyong account sa coins.ph upang mas malaki ang transaction limit kada araw. Pwede gamitin ng minor de edad ang coins.ph may special form lang kayo na i-papadala na nilagdaan ng magulang o “guardian.” Kung nangangailangan kayo ng tuong sa pag-validate subaybayan ang maikling “video” ito ukol sa pag "validate" ng account.       

          Sa pamamagitan ng pag-“validate” ng account niyo makakatanggap kayo ng isang uri ng sign-up bonus na nagkakahalaga ng PHP 60.00. Ang kagandahan pa nito kung meron kayo ma-alok na mag sign-up at ma-validate meron ulit kayo isa pang PHP 50.00. Diyan palang pwede na kayo kumita at dahil nasa coins.ph ang Peso niyo pwede niyo ito i-convert sa Bitcoin sa loob ng app o dashboard nito. Ayos di ba, kumuha ka lang ng bitcoin wallet may pwede kana gawing negosyo bilang affiliate or referrer ng coins.ph. Meron pa nga dyan loading and bills payment rewards pero nalalayo na tayo sa bitcoin kaya kayo na lang bahala i-discover paano kumita sa mga nabanggit ko.    

         Ngayon na may wallet na lagyan naman natin ng laman yan. “faucet sites “at “Pay to click sites” o PTC sites ang pangunahing paraan kung saan tayo kumikita ng bitcoin na hindi gumagastos. Napakaraming available na site yan at ikaw na lang magsasawa sa kakahanap kung ano ang sasalihan mo. Ngunit mag-ingat hindi “legitimate” ang lahat ng Faucet sites and Pay to click sites. Upang makaiwas sa mga ito may ilan akong isa-suggest inyo.    

Faucet Sites:   

Moonbitcoin,  Moondogecoin, Moonlitecoin, Freebitco.in, Freedogecoin, Bonus bitcoin, Bitfun,  and Faucet hub.   

PTC sites:   Bitter.io, BTCclicks, Coinbulb and Adbtc   

         Marami pang iba na pwede ko isali, marapating makipagugnayan na lamang kayo sa akin upang maibahagi ko ang mga ito. Pero sa ngayon yan lang muna ang aking i-share sa inyo. Kailangan kasi nating suriin at kilatisin ang bawat isa nito. Kailangan nating pagaralan at pagisipan ng tamang pamamaraan kung saan pinaka epektibo nating magagawa ang mga iba’t ibang gawain dito. Ngunit Bago natin sabihin ang mga strategy sa mga "faucets" at "PTC sites" ipapapaliwag ko muna kung ano ang mga "Faucet sites" at "PTC sites".   

         Ang mga "faucet sites" ay mga sites na namimigay ng Bitcoins o Cryptocurrency ng walang bayad. Cryptocurrency ang tawag sa lahat ng digital money, isa na dito ang Bitcoin. Oo pinamimigay nila ito sa lahat ng bumibisita kapalit lang ng konteng Gawain tulad ng pag solve ng Captcha. Galing noh akala ko nga biro lang pero nababayaran pala iyon. Pero paano at bakit? May nakapagsabi sa akin noon na sa sobrang "competition" at hirap makakuha ng attention sa internet na ang mga advertisers ay handang magbayad sa bawat tao na makakapansin sa ads nila. Sa makatuwid binabayaran ng mga advertisers ang page owner o faucet owner sa bawat tao ng makapansin o tumingin sa advertising nila. At upang mahikayak na magpunta ang mga tao sa "faucet site" ipinamamahagi ang ilang “percentage” ng kita nila sa visitors.”  Ang galing hindi po ba? Teka hindi kaya malugi yung advertiser sa dami ng bumibisita sa site nila? Meron din nalulugi kaya nga nag share ng mga sites para hindi kayo mapunta sa mga faucets sites na nauubusan ng budget na pambayad sa mga faucet visitors. 

           Ang Pay to click (PTC) sites naman ay halos parehas ng Faucet sites. Ipinamamagi din ng PTC sites ang ilang percentage ng kanilang kita sa mga tao na mag- “click” sa mga link ng mga advertiser. Pay to click ang tawag sa kanila kasi kailagan mo mag click sa advertising para kumita.  Baka naitatanong niyo kung anu at sino ang ina-advertise at nag advertise. Huwag kayo magulat dahil karamihan sa mga nag advertise ay tulad natin na nag faucet mine and tinatrabaho ang PTC site. Huh? Bakit? Dahil ito ay isang strategy. Malalaman ninyo kung paano maya maya. 

           Halos walang kinikita kung iilan lang ang nabibisita mo na faucet site and PTC site. Sa Faucet site may “time limitation” yan  na kung saan pwede mag “claim” ng reward. Ibang site "every 15 minutes", may "every one hour" yung iba naman “once every day.”  PTC site may "limitation" din. Hindi kayo bibigyan ng libo-libong links niyan araw araw- swerte na kung may Makita kayo na may mahigit sa 50 links. Paano yan limitado pala paano ako kikita diyan marahil tanong niyo? Makinig at sasabihin ko.   

          Una, maghanap ng mga sites, faucet man o PTC na napagkakatiwalaan tulad ng mga sites na nabanggit ko sa itaas. Tulad nga ng nasabi ko napakadami ng mga sites pero siguraduhin niyo na makaka bayad yan sa mga gawain niyo. Matapos mag rehistro sa mga site na makikita niyo isa sa pinaka unang dapat gawin ay kunin ang "referral" or "affiliate links niyo". Sa faucet site man o sa “PTC site.”    

         Pangalawa, siguraduhin na gawin araw araw ang mga faucet and PTC sites. Marami sa mga faucet sites may tinatawag na "loyalty reward" na kung saan ito ay tumataas kung nabibisita ang site nila kada araw. Ang "loyalty reward" na ito ay isa sa paraan kung saan lumalaki ang reward kada claim. Sa PTC sites naman ito ay nagiging condition nila upang kumita sa gawain ng mga recruites and affiliates. Sila ang mga tao na nag rehistro dahil sa referral links na share.   

         Pangatlo at ang pinakamahala upang lumaki ang kita. Kumuha ng mga referrals o affiliates na mag- "sign up" bilang  referral or affiliate. Napakahalaga nito dahil ito ang pinaka epektibong paraan kung saan lubhang tumataas ang kita kada araw. Dahil sa lahat ng Gawain ng mga "recruits" at "affiliates" may percentage na makukuha. Parehas ito mapa-faucet man o PTC site. Kung nahihirapan ka sa paghanap ng recruits pwede mo yan i-post sa mga "traffic exchange", tulad ng Easyhits4U or sa mga mismong PTC sites na pinagtratrabahuan mo. Oo may bayad ito pero ang kagandahan naman nito pwede mo gamitin ang kita mo sa site pambili sa serbesyo nila.    

         Pang-Apat, i-invest ang mga kinikita niyo sa faucet sites and PTC sites sa mga serbisyo na maaring palakasin ang pag "recruitment niyo." Sa PTC site may tinawag na “Buy referrals” at Rent referrals. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang ilang "Percentage ng earnings" ng mga referrals na na-rent niyo (limited time) or nabili niyo (permanent) ay mapupunta sa inyo. Ngunit isang babala wala itong kasiguradohan at pwede active or inactive ang referral na makukuha nyo. Pwede din kayo mag advertise ng mga referral links niyo sa PTC at faucet sites sa PTC sites para mas madami ang posibleng makuha niyo na recruite.  Sa larangan ng negosyo or trabahong ganito napakahalaga ng mga referrals and affiliates. Kaya wag paghinayangan na mag invest dito.    

          Pang lima, sumali sa mga teams na magagaling at marunong na o di kaya gumawa ng sariling team  kung may kakayahan naman gawin. Ang importante dito ay makagawa or sumali sa team na makakatulong sa bawat membro ng team. Sa pagiging bahagi ng isang team meron ka lagging matatakbuhan kung kinakailangan.    

          Marami pang paraan kung saan pwede kumita online gamit ang cryptocurrency tulad ng bitcoin. Dahil sa cryptocurrency naging possible na kumita sa pagsusulat, kumento at upvote tulad nag nangyayari ngayon sa steemit.  Sa paggawa ng trabaho sa mga PTC site o Faucet madami ka din makikita na "advertisement" ng mga opportunidad para kumita nito. Huwag matakot mag explore. At kung mangangailangan kayo ng tulong madami din tao na lagging handa na tumulong sa inyo. Tulad namin sa Crypto Digital Giveaway. Kung may interesado post lang po kayo sa comments. Huwag kayo mag-alala walang bayad ang lahat ng i-share ko sa inyo. Kung mararapatin niyo siguro unahin niyo na sumali sa Steemit team naming kung saan tulong tulong tayo kumita sa pamamagitan ng pag supporta sa mga bawat myembro ng aming Team.   

Maraming salamat sa pagbasa sa aking artikulo. Kung nagustuhan niyo ang nabasa niyo huwag kalimutang mag “upvote” “comment” at “resteem” hanggang sa muli nating pagkikita kita.     


Sort:  

Dati nung wala pa sa $1k ang bitcoin akala ko kylangang bu0ng bitcoin ang bilhin kaya di kaya ng budget. Yun pala pwedeng tingi. Magkanu kay ngay0n sana kung bumili ako ng tingi nu0n. Hay, sadlife.

Tumaas siya ng $6000 pero bumaba na siya ng konte to $5600+. Ang general direction ng price ng bitcoin is pataas tumataas siya ng new historical high tapos may correction o pagbaba only reach new High's a couple of weeks later. This is a remarkable feat kasi ang daming mga financial dinosaurs nag naninira sa kanya.

well done very detailed.

thank you for our kind remarks

Mabuti na lang meron kaming "crypto genius" sa group!

Cryto enthusiast lang po :)

Kung pag tyagaan mo ang lahat nang mga programs na sinabi mo talagang kikita ka..salamat @ankarlie

Salamat sir. Tiyaga and pagsisikap sir that is the key.

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

Congratulations @ankarlie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout
Award for the total payout received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

I earned through Bitcoins, diretso rin sa Coins. ph ko. Malaking tulong may coins kasi dun lang nila ilalagay yun earnings mo on some of my Bitcoin sites. Malaking tulong sa mobile load.

Oo nga eh nung umpisa pang load load ko lang talaga ang kinikita ko sa bitcoins sa mga faucets pero nung medyo nalaman ko na yung tamang sistema at paraan kung paano kumita ng ayos. pInag-grocery ko na at pambayad ng rent ang kita ko dito. talagang kina-career ko na ang bitcoins. hehehe

Natuwa akong basahin tong post mo :) ang dami kong natutunan sana maapply ko din sa future hihi

Maraming salamat po. Cryptocurrency is the future. Actually just being in steemit you are already part of it because steemit is powered by its own cryptocurrency. Steem. Still learning it though kaya hindi pa ako maka share ng information masyado.

Mahusay... Dagdag kita din salamat

Salamat po.

Wow! Dami mong websites na sinalihan.

Hehe naku sir kung alam niyo lang sobrang dami I thnk over 100 sites na yata.. kung lalagay ko diyan lahat baka sabihin spam na lol

Ang galing talaga ni ma'am! :-)

salamat po ate partner hehe

I really can not understand this cryptocurrency maybe someday I will

 7 years ago  Reveal Comment

Apa kabar @steemking777? Upvote ya..

Thanks sir. I do what I can do and I hope I always do it well. Comments like this keeps me going :)

Follow ya.. 😃

Thanks for adding me sir. Will join when i meet your requirements.