In this blog, maaaring ma hurt ang pride mo bilang magulang or maaari kang ma offend kasi at some point may katotohanan na ito. Pero feel free to unfollow me when you feel so. What I speak about blog is about the reality na nangyayare madalas sa karamihan. Please broaden your mind especially sa mga ganitong mga blog, hwag ka munang maging balat sibuyas.
photo grabbed from facebook edited via snapseed
What you see in the picture is a big thing na maaaring masasabi mo sa akin “Ang sama naman, di naman namin yun intensyon talaga. Sadyang hindi lang namin talaga kaya bilang magulang”. Okay, nandun na tayo pero please let them fly pa rin, wala kang karapatan na putulin ang mga possibilities niya sa buhay with their capabilities. Someone's reality is different from your sons and daughters reality.
Natatandaan mo pa ba yung mga pangarap mo nung bata ka pa? Natatandaan mo pa ba nung sinabi mo sa parents mo “Gusto ko pong maging Doctor pag laki ko” kaso sinabihan ka ng magulang mo “Anak, hindi kaya ng Mama at Papa ang gusto mo, iba na lang.” Kapatid, the moment na sinabi sayo ng magulang mo to’ pinutulan ka na niya ng pakpak. No one knows your future, kaya bilang magulang mas mainam na i support natin sila sa mga bagay na gusto nila. Tama? Sa mga bagay na mas magiging maunlad sila. Kung madapa man sila, itayo natin sila. Tama?
Palagi ko mang sinasabi na hindi niyo emergency fund ang inyong mga anak pagdating ng panahon dahil magkaka pamilya din sila pero bilang anak, nandiyan pa din ang eagerness nila na makabawi sa magulang one day. Tama? Alam mo din yan sa sarili mo dahil minsan kang naging anak. Alam mo din na nagsumikap ang magulang mo para ikaw ay makapagtapos.
Sa kaso naman ng iba, na hindi na support ng mga magulang sa bagay na gusto nila. Push! The only gift na maipapamana ng magulang mo sayo hanggang sa mamatay sila is yung knowledge nila and experience nila sa buhay but it is up to you kung anong future mo. Hwag kang makuntento na sinabihan ka na ganito ka lang. Never let someone steal your dreams from you. Masarap sa pakiramdam na pagdating ng panahon eh yung taong negative sayo sa mga bagay na gusto mo eh siya ding pupuri sayo. Masarap din sa pakiramdam na kahit ultimo mo magulang mo hihingi ng patawad sayo sa kanilang pagkakamali sa desisyon nila one day pero yayakapin mo pa din sila ng buong buo. Masarap sa pakiramdam na yung mga sakripisyo mo eh magbubunga kahit na pilit na nilalayo na ata ng mundo ito sayo.
Sabi ko nga palagi. Keep on pushing until yung problema na magsawa sayo, hanggang sa yung problema sasabihan ka na lang “Ayaw ko na diyan, walang problema yang di nalulustasan eh.” This is not just your broken wings, this is about how can you still fly with broken wings.
@cmtzco has voted on behalf of @minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowponds team on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond.
To receive an upvote send 0.25 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
To receive an reSteem send 0.75 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
To receive an upvote and a reSteem send 1.00SBD to @minnowpond with your posts url as the memo