Anong the best para sa 13th month pay by Seantrepreneur

in #business7 years ago

FB_IMG_1508213049661.jpg

Happy Birthday to me! Sangil chuka hamenda! (Ganun bigkasain sa Korea eh) mga Beshiewaps, malapit na Birthday ko it means senyales na ito ng maraming pera. Maririnig mo na sa Jose Mari Chan na kumakanta ng “Whenever I see girls and boys, and the boys and girls see me, I remember the child and the child remembers me.” Ganern! Mangangarolin ako sa inyo ah, pa experience lang. Charaught! Kaya hwag ka muna mag resign, sayang ang 13th Month pay at Christmas bonus ni Mayor. Chill ka lang, next year ka na mag resign. Regalo ko ah! Kahit librong luma lang. Char!

Ito ang ilan sa tips ko sayo para di masayang ang 13th Month Pay mo at Christmas Bonus mo. Para naman hindi masayang ang 11 months mong hinitay tapos 1 araw lang nilustay. Hwag ganun Beshiewaps! 13th Month na nga lang kayang mag hintay sayo ngayon, sasayangin mo pa. Hugutan mga Bes! Haha.

1.PLAN AHEAD - Bago pa man dumating ang pera mo, isipin mo na talaga ang bibilhin mo para naman kapag hawak mo na ang pera mo alam mo na ang bibilhin mo. Hwag kang mag alala di yan paasa, jowa mo lang paasa. Mas mapapabilis ka kasi kapag nasa mall ka na, basta mura banat! Dapat nakalista na para di imberna sa dami ng tao. Ganap na ganap ang pagkamayaman mo Bes! May pera sa kamay eh. Tama ba? Tsaka dapat ang bilhin mo yung dapat na kailangan mo or yung isa sa goals mo for Christmas talaga or yung gustong gusto mo. Okay? Tipong alam mo sa sarili mong ito talaga kailangan ko eh, alam kong makakatulong to’ sa akin eh. Damit man yan or cellphone(pero hwag taon taon bago) or sapatos or kahit libro. Reward yourself, pasko naman eh. Minsan lang yan pero dapat hwag naman lustayan, magtira Beshiewaps. Parang kapag nagmamahal ka, magtira ka para sa sarili mo para naman di ka maging broke at masakit lang, hindi masakit na masakit.

  1. MAGBAYAD NG UTANG - Eps, corny ba? Pero kung may utang ka naman, mahiya ka naman. Buti pa yung utang may anniversary, eh kayo ng jowa mo ni monthsary di umabot. Hwag kang maging feeling blessed kung yung inutangan mo hinihintay pa din ang pagbabayad mo. Ganap na ganap sa kapaskuhan, tipong bago ang lahat! Utang mo kyah, bayad po kyah! Ano yang utang mo? Forever? Tsaka isipin mo na lang, kapag nakapag bayad ka ng utang wala man kayong handa sa pasko, makakaulit ka naman ng utang next year kapag nangailangan ka kasi good payer ka eh. Isipin mo din na baka need nila ang pera pang handa or baka need na din talaga nila ang pera. Para imbes na umangat ka sa nag aalab na ilalim ng lupa at nangutang lang, edi naging anghel kang bumagsak sa langit nauna nga lang ang mukha. Char! Tama? Pero di ko sinasabing mangutang ka ulit, hanggat maaari eh iwasan mo na. Daig pa niyan ang cancer kapag lumala yan. Tipong di mo na kayang mabuhay ng walang utang. Ganern! Mas naniniwala pa ako sa mga taong di kayang mabuhay ng walang utang kaysa sa mga taong di daw kayang mabuhay ng wala ka sa feeling niya, nako Bes, hwag ako! Iba na lang.

3.SHARE YOUR BLESSINGS - Minsan naman mag share ka din sa kapwa mo kahit na medyo plastic lang basta nag share ka. Pwede ka namang mag spend ng Christmas sa bahay ampunan, pangarap ko yun talaga. Promise. Kasi bet ko nga ng 12 na anak, tapos pangalan Januarious, Februarious, Marchus, Aprilyn, Mayalyn, Junell, Julyious, Augustus, Septemberious, Octoberious, Novemberious, Decemberious. Panalo di ba? Or pwede naman bigyan mo ng kahit konting makakaen yung kapit bahay niyong kapos na kapos talaga na isang kahig isang tuka. Kahit naman siguro inaway ka niyan or chinismis na iba ibang lalake naghahatid sayo ng may kotse pa kasi naman naka uber ka eh pabigyan mo na! Eps, hwag bad, yes kasalanan nilang isang kahid isang tuka sila kasi desisyon nila yun pero it doesn't mean di na tayo tutulong. Ganern! Gumanap ka nandin sa Pasko, tanggal sungay muna. Aba malay mo kapag sila naman ang tiba tiba sa grasya, hari nawa maalala ka. Pero don't expect just help. Tama? Sabi nga nila, the more you give the more you receive. Blessings ang shineshare, hindi jowa. Yung iba kasi sa sobrang lamig ng pasko, yung 3rd wheeler na Bes mo noon, 3rd party na ngayon. Imberna! Char!

  1. MAG BUSINESS KA - Baka kaya di ka makapag simula ng business kasi problema mo ang puhunan, o ayan na! 13 month pay na may pa Christmas bonus pa! Pang kabuhayan showcase naman ang maging ganap hwag adib adib sa kapit bahay. Porket malaki ang bonus at 13th month, adib adib na? Sorry ka, sila may sari sari store ikaw nga nga pa din. Pak! Ang point ng pag bubusiness ay pagsasamantala ng sales during Christmas season. Ang tawag dito seasonal business. Tipong bago mag Ber months namili ka na tapos ibebenta ng December kasi ubusan, so kahit mahal mabenta eh panalo! Tipong puhunan na 2,000 naging 6,000 ang balik. Ganun talaga, supply and demand. Haha. Minsan lang eh, pero mas okay na makapag business ka ng lifetime. Tama? Or mamili ng Christmas sales, tipong mga paninda na kapag pasko lang nalabas, bilhin mo na, hamak na mas malaki ang tutubuin mo by the next year. Remember, ang Pasko sa Pinas eh kapag natapos na ang 3 Kings or Chinese New Year. So more chances of winning ang business mo. Supply and demand again! Pang reserve na din sa Valentines day, minsan basta may Christmas lights, pasko pa din ang ganap.

  2. MAG INVEST - Ito pinaka isa sa the best, bakit? Kapag nag invest ka ngayon, next time na mag ka 13th Month Pay ka or Christmas Bonus ka tubo na lang ng investment mo ang 13th Month Pay mo, winner di ba? kahit gastusin mo na ang kalahati kasi may investments ka na naman pero hwag pa din naman lahat maglagay pa din ng pang ipon at pang galaw sa pang araw araw. Hwag pa ding masyadong maganap. Isa kasi ang investments sa long term priority ng isang individual na kumikita. Tama? Kapag malaki na ang cashflow niyo kasi sa dami ng business niyo, investments sobrang dali na lang. Mga malalaking company niya sa huli na nag iinvest eh, business is life sa kanila. Pero kahit business is life, mga top investors naman sila. Aba! Ikaw na mayaman na may chandelier, chamber maid, champagne ang iniinom. Tayo, okay na ang champaka muna, di ko alam yun pero tiyaga tiyaga muna. Char! So try to invest. Wala yan sa laki or liit ng kinikita, nasa laki yan ng iniisip mo. Be a visionary person at goal oriented. Napaka not so enjoying at boring naman ng buhay kung walang challenge di ba? What you think is what you say, what you say is what you do, fine thank you! Char! Think big! Kahit maliit pa kinikita mo. Naniniwala ako lalaki din yan. Basta tamang mindset at tamang execution. Pawer!

P.s. December 25 po Birthday ko, natanggap na po ako ng mga regalo. Pwede naman ang hug and kisses, basta totoo. Sa mga single lang. Hahaha. Kapag taken, mano po Ninong at Ninang.