“Sir, paano po ba ako mag start ng business?”
“Sir, paano ko po mapagsasabay ang business at work ko?”
“Sir, ano po bang dapat kong gawin para maging maganda ang business ko?”
First of all gusto ko pong i congratulate ang mga taong nagkaroon ng business dahil sa group na ito, invite niyo naman ako sa place niyo. Hehe. Papaturo ako sa inyo mag business. Okay lang ba?
Ang susunod na inyong mababasa ay maaaring maka hurt ng inyong feelings, lumabas ang bugso ng inyong emotions, ma offend kayo, at higit sa lahat mabuksan ang isipan niyo sa malawak na mundo na hindi lang kayo dapat nabuhay, nag aral, nagtrabaho, namatay.
Ladies and gentlemen and bisexuals, ang unang una mong dapat isipin sa mag start ng negosyo eh kung anong negosyo ang bagay sayo at alam mong kakayanin mo. Bakit? Kahit anong ganda pa ng negosyo, kung hindi angkop sayo, wala rin. Mamaya magtitinda ka ng ice candy, taga baguio ka pala. Okaya magtitinda ka ng kape, tapos tirik yung araw. Tama ba? Business yun. Tama ba? Pero siyempre dapat ilulugar. Okay, ito ang ilan sa mga pamantayan para makapag business ka.
BUSINESS ITSELF - Dapat siyempre yung business mo pang masa, swak sa budget, consumable, kailangan ng tao, ginagamit ng tao, sinusuot ng tao. Dahil reality check, ayaw ng tao ng binebentahan at for sure ikaw din. Bakit? Siyempre may kuripot mindset ka na, so iisipin mo mabuti kung kailangan mo ba talaga ang isang bagay o hindi, pero di ka ba nagtataka bakit napapabili ka? Bakit minsan kahit di mo kailangan eh mapapabili ka talaga! Alam mo kung bakit? Simple lang, kasi kailangan mo naman talaga kaso napipigilan mo lang sarili mo kasi you are disciplined person na. Aba! Sino bang hindi mapapa wow sa crispylicious juicylicious chicken joy di ba? Kahit can't afford na kasi petsa de peligro, bili pa din. Kailangan eh, kasi gutom ka at gusto mong kumaen. Pero kung may baon ka, amoy na lang sabay subo ng kanin. Talo talo na, makatipid lang. Yan ang reality sa business. Supply and demand.
PROSPECT/CUSTOMERS/NETWORK - Siyempre ang business, hindi yan kikita kung walang bibili. Ano yan? Literal na family business? Tipong utang na walang bayaran. Oi, may nakarelate! Dapat i consider mo yung mga taong possible na bibili sayo. Mamaya panay ka benta ng alak tapos nasa tapat ka pala ng school, so puro student ang customer mo. Kikita ka talaga tapos makukulong ka pa. Bawal yun eh. Okaya naman nasa tapat ka ng mga tambay sa kanto na hindi ko alam wala namang trabaho pero ang daming pambili ng alak, tapos ang tinda mo bondpaper at scbool supplies. Kikita ka talaga niyan malamang, sa kabaliktaran. Bago ka mag business tignan mo din ang Network mo, eps! Hindi yung may pag power grabe payaman ah. Siyempre mga kakilala mo, kaibigan mo, ka tongits mo, ka chismisan mo, ka away mo, ex mo, ex ng tropa mo, at kung sino sino pang tao. Bakit? Para alam mo kung sinong makakatulong din sayo. Malay mo yung tropa mo pala kagawad, edi na endorse palagi ang tindahan mo. Kapag mag papainom siya sasabihin eh “Diyan ka bumilj kay Mang Kanor, kilala ko yan. Wala ng deposito yan” tapos isang barangay pala ang pina inom, edi tiba tiba ang negosyo mo. Tama ba? Observation naman ang dapat magaling ka. Tsaka dito mo din malalaman kung ano bang kailangan nila.
LOCATION - Ito ang isa sa pinaka mahalagang part ng business mo. Kung nasa bundok naman ang negosyo mo at mga bibili sayo nasa kapatagan, palagay mo kikita ka ba? Malamang wala ng bibili sayo niyan, bibili lang ng suka may pa hiking pa si Mayor!? Di ba? Find a location na matao, when I say matao tipong along EDSA. Na kapag traffic mapapa yosi sa tindahan mo pero bawal na kasi smoking ban na ah. Tipong tapat ng school, yung student na negosyante na bibili ng bond paper sayo bago pumasok tapos ibebenta sa classmates niya. Panalo ka din sa harap ng mga opisina. Kahit pa 15 pesos ang kanin mo, tiba tiba ka na! Presyong pang masa pa din dapat. Sa location, dapat isipin mo na pasok ang budget mo. Aba baka mamaya ang mahal ng location tapos wala ka namang mabenta napunta na sa location ang puhunan, mali yun! Swerte mo kung may sarili ka, paano kung wala? Edi take the risk.
PRODUCT - Siyempre ito pinaka mahalaga, ang produkto. Ang isang business hindi aandar kapag wala nito. Anong ibebenta mo? Pagmamahal? Tipong bili na kayo ng pagmamahal ko, iniwan niya ako eh, pinagpalit sa iba. Ganun ba? Siyempre dapat sa product eh yung panalo, tipong isang kagat tinapay lahat. Joke. I mean sa panalo eh sulit yung customer mo kapag bumili sayo. Tipong mapapasabi “Sige po, bukas ulit.” Okaya naman pati sa ibang tindahan eh pinagmamalaki ang product mo, power! Minsan kasi ang tao kapag satisfied sila sa isang bagay ishashare nila sa ibang tao lalo na kapag na exceed ng isang bagay na yun yung expectation nila. Kaya maganda ang isang business eh may comment section palagi, may suggestion box para maging aware kayo sa mga gusto ng tao sa paligid niyo. Tandaan ah, kahit may kamahalan ang tinda mo bastat gusto ng tao, hahanap hanapin to. Mang inasal nga dating 99 lang naging 110 ma di ba? Pero no amount, patok pa din. Tama ba?
Realtalk, hindi mo kayang mapagsabay ang work mo at business mo except kung kaya mong hatiin ang katawan mo di ba? Isipin mo ah. Gigising ka ng 6am, papasok ka sa trabaho ng 7am, darating ka ng 9am, traffic kasi, uuwi ka ng 5pm, makakauwi ka ng 7pm, tapos doon ka pa lang magbubukas ng business mo? Wow! Tibay! Kuya germs lang?
Di ko naman nilalahat, meron kasing may trabahong magaan na kayang pagsabayin. Pero ikaw ba, kung mas malaki ang kinikita mo sa negosyo mo, di ka pa mapapaisip mag resign at i full time ang business mo? Tipong “Mag bubusiness na lang ako, kasi dito hawak ko pa ang oras ko.” Tama ba? Nandito tayo sa group di lang makapag ipon, para makapag business din tayo kasi hindi habang buhay employee tayo.
Pero ah. Eto na, sasabihin ko na secret ng mga negosyante ah.
THEY ALWAYS WORK OVERTIME. Yeap, mostly mga negosyante madaling araw na gising pa! Nag iisip ng ikabubuti ng negosyo niya at kung paano pa lalaki, ito pa malupet, unang tilaok ng manok gising na yan. Bakit? Sabi ng mga intsik kasi, kapag di mo naabutan ang pagsikat ng araw, malas daw sa business. Di ko alam kung totoo, pero feel ko totoo naman kasi yun ginagawa ng karamihan eh. Kapag naging negosyante ka you are working almost 12hour per day. May kaibigan ako may sari sari store ah. He is earning 15k per day gross yun ah. Just wow! Bukas siya ng 6am sarado siya ng 2am. Puyat? Yes! Pagod? Yes! Pero malaki kinita, Yes! Pwedeng umabsent? Yes! Kasi kapag may business ka, bahala ka sa buhay mo kung magkano gusto mong kitain at kung kailan mo balak magsara kasi boss ka ng sarili mo. So ayan na ah.
Hwag ka na ding mag business kung nasa isip mo lang eh maliit na business. Yes, lahat it takes time pero isipin mo din na may magtatayo at magtatayo ng business na kagaya ng sayo. Na possible kainin ang business mo at tuluyan ka ng maluge. Dapat ikaw nag iimprove everyday para ang business mo din mag improve. The more na lumawak na ang business mo, doon mo na mararamdaman ang time at financial freedom na matutulog ka na lang may kinita ka na. Di man milyon milyon agad pero doon din ang punta niya.
I don't care kung sari sari store yan, dapat goal mo maging mini grocery yan. I don't care kung karenderya yan, dapat goal mo maging 3 yan at lumaki. I don't care kung ice candy lang yan, dapat ang goal mo may mag franchise sayo one day. Kasi wala yan sa liit or laki ng business nasa tamang attitude yan sa pag hawak mo ng business mo at siyempre ng pera. May iba kasi, kumita lang ng konti, feeling donya na. May iba naman, sa sobrang bait, kahit di na kumita, makatulong lang, ano? Charity lang? Di naman masamang tumulong pero hwag naman yung negosyong paluge.
Sorry sa mga na offend, I'm just doing my job. Sana maging open minded kayo at lawakan niyo ang isipan niyo. Maging limitless kayo dapat. Hwag sabihin na ito lang kaya ko palagi, always think na kaya ko to at kakayanin ko. Dahil di mo napapansin yung dating impossible ay possible pala at yung dating mahirap, dumadali kasi na namaster mo na.
Sana nakatulong.
Pwede mo itong ma ishare sa page ko na Seantrepreneur
This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond
Congratulations @xaviour007! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP