Ipinakikilala ang @busy.org, ang bot na nagpapabuya sa'yong impluwensya

in #busy7 years ago (edited)

U5dsg2v552mQdKu541dEcGw5XhiEqna_1680x8400.png

Kami ay nagpapatakbo ng isang exskperimento gamit ang aming bot ng ilang linggo na. Kung nasubukuan mo nang gumawa ng lathala sa busy.org gamit ang paksang "busy", maari napansin mo ang account na @busy.org ay awtomatikong ni-upvote ang lathala mo.

Papaano gumagana ang bot?

Ang bot ay ia-upvote ka base sa timbang ng mga sumusunod sa'yo. Mas maraming maimpluwensyang tao ang sumusunod sa'yo, mas malakas na upvote ang makukuha mo sa bot.

  • Para makakuha ng upvote, kinakailangang may sumusunod sa'yo na hindi bababa sa 500SP
  • Para makakuha ng 100% upvote (humigit-kumulang $10 halaga), kinakailangang may kabuuang 12 milyong SP ang sumusunod sa'yo (25 balyena)

Papaano makakuha ng boto mula sa @busy.org?

Ito'y libre at mabilis lang, kailangan mo lang:

  • maglathala sa busy.org (gumagana sa parehong bersyon: v1 at ang bagong beta)
  • gamitin ang paksang "busy". Hindi kinakailangang ito ang pang-una.

Ang bot ay bumoboto isang beses bawat user kada 12-oras. (2 upvote / bawat araw / bawat user)

Papaano malaman ang timbang ng mga sumusunod sa akin?

Salamat kay @jesta ginawa n'ya ang napakahusay na SteemDB API na kasama ang mahalagang impormasyon na ito, ang bot namin ay ginagamit ito upang kunin ang timbang ng mga sumusunod sa'yo sa halaga ng VESTS. Maaari mong makita ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pagpunta rito: https://steemdb.com/api/accounts?account=fabien at palitan ang fabien ng sarili mong pangalan at hanapin ang titulong followers_mvest. (Ang halagang ito ay nasa bilang ng VESTS, upang makakuha ng 100% boto, kinakailangan mo ng 25 bilyong VESTS)

Kung hindi mo makalkula, subukan mong maglathala sa busy.org and tignan ang porsyento ng boto na ibibigay sa'yo ng @busy.org.

Ako ay mayroong 1 milyong SP pero walang sumusunod sa akin, makakakuha pa rin ba ako ng upvote mula sa bot?

Hindi, ang @busy.org bot ay hindi pinabubuyaan ang isang user dahil marami siyang Steem Power. Ang bot ay tumitingin lamang sa timbang ng mga sumusunod sa'yo, kung wala ni isang Dolpin o ang katumbas ng SP nito na sumusunod sa'yo, wala kang makukuha ni isang boto.

Papaano kung maglathala ako ng mababang kalidad na lathala?

Wala kaming masyadong polisiya sa mga ina-upvote na lathala sa ngayon. Sa tingin namin, kung ikaw ay gumagawa ng talagang mababang kalidad na mga gawa, ikaw rin ay mawawalan ng mga sumusunod sa'yo at ng impluwensya sa Steem at hindi makakuha ng ganun kalaking boto mula sa bot.

Papaano kung lahat ay gumamit sa bot?

Kung ang @busy.org bot ay maubusan ng lakas sa pagboto, maglalagay kami ng mas mataas na bilang ng balyena upang makakuha ng 100% ng upvote. Sa ngayon ito'y 25 balyena, ngunit kung ang lakas ng boto ay bumaba sa 50% gagawin namin itong 30.

Bakit namin ginawa ang bot na 'to?

Ang bot na ito ay sinimulang bilang isang eksperimento na ang layunin ay gantimpalaan ang impluwensya. Ang bot ay gumagawa ng bagong modelo ng pamamahagi sa mga gumagamit at isang pirming pagkakakitaan.

Bigyang kapangyarihan ang may impluwensya

Kung nagustuhan mo ang konsepto ng pagbibigay pabuya sa mga gumagamit base sa kanilang impluwensya at meron kang hindi ginagamit na Steem Power, maaari mo itong ipahiram sa @busy.org gamit ang Vessel o kaya ay SteemConnect.

Ang bot ba ay Open Source?

Syempre! Tignan dito: https://github.com/busyorg/busy-robot

U5dt7wKFzk9ecnTJbfZLkt3tNFjYxzw_1680x8400.png

Ano ang kasunod?

Inaabangan namin ang paggamit ng SMT sa panibagong paraan ng pagpapapabuya. Nais naming ibase direkta ang pabuya ayon sa impluwensya at hindi umayon sa mekanismo ng boto bawat lathala. Ipaalam mo sa amin ang mga isipin mo patungkol rito! Ang exsperimentong ito at ang iyong tugon ay makakatulong sa'min.

Sumali sa'min sa Discord https://discord.gg/G95rNZs

Magpatuloy sa pag-Steem!

Ang Pangkat ng Busy


Ang orihinal na lathala ay mula sa @busy.org dito.

Sort:  

I'm impressed @eastmael !

You earned yourself a 0.29$ upvote!

PS: You can earn 30% Vote-Cashback by upvoting this comment and all other post/comments by @therealwolf

Checkout: http://steem.link/introduction-wolfs-voting-bot

Ok yan! Sali ako dyan. Kaso karaniwan sa mga malalaki SP di nagfofollow, malaki sana maiitulong nila. The best for me na bot nakita ko sa ngayun ang minnowsupport, sa halagang .001 naguupvote sila sa akin hanggang ngayun. Makikita mo ang nasa nila makatulong imbis kumita.

Pwede bang gamiting yan dito sa steemit?

Need po sa busy.org na site mag-post. Eto po ung site na ginamit ko to post this: https://nd.busy.org/.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by eastmael from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.52 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

This wonderful post has received a bellyrub 1.33 % upvote from @bellyrub thanks to this cool cat: @eastmael. My pops @zeartul is one of your top steemit witness, if you like my bellyrubs please go vote for him, if you love what he is doing vote for this comment as well.