Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!
Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa aming patimpalak. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.
Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.
Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala
1st place - Gawa ni @juviemaycaluma na makakatanggap ng 5 SBD
Literaturang Filipino / "PANGITAIN"
Ako nga pala si Juvie dalawampu't anim na taong gulang nag umpisa itong kababalaghan na nangyari sa akin taong 2010. Sa tuwing ako ay natutulog sa gabi na akala ko ay tulog na ako pero ang diwa ko ay gising na gising may nakikita ako isang aninong itim na
2nd place - Gawa ni @julie26 na makakatanggap ng 3 SBD
Literaturang Filipino: "Ingkubo"
Nagmulat ng kanyang mga mata Si Bella. Minamasdan niya ang paligid niya, ngunit ito ay madilim. Hindi rin siya makagalaw. Sumisigaw siya ngunit puro ungol ang tanging nalabas sa kanyang bibig. Hanggang naisip niyang umusal ng "Ama Namin", bigla na lamang sa isang iglap siya ay nakagalaw, bumangon siyang abot-abot ang kanyang paghinga. At uminom ng tubig sa basong nakapatong sa kanyang lamesa na nasa tabi ng kanyang higaan.
3rd place - Gawa ni @beyonddisability na makakatanggap ng 2 SBD
Literaturang Filipino : Si NadineMuñoz696
Mag- aalas dose na ng hating-gabi pero nakaonline pa rin ako sa Steemit ng araw na iyon. Nakakatuwa kasi yung mga tagalog blogs. Madalas ko ito gawin habang nakahiga sa kama hanggang makatulog.
Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!
Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.
Narito ang Bagong Patimpalak
Ano ang isusulat?
Maikling Kuwento
Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.
Tema ng Maikling Kuwento
Pag-ibig
Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng pag-ibig sa buhay ng may akda. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa pag-ibig na tema ng paligsahan.
Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali
- I-resteem at i-upvote itong post.
- Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
- Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #pag-ibig
- Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
- Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
- Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!
Pagbabasehan ng Mananalo
Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:
- Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
- Ganda ng pagkagawa
- Kaugnayan sa Tema o Paksa at
- Dami ng boto galing sa ibang Pilipino
Gantimpala
May tatlong mananalo sa paligsahan:
- 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
- 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
- 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.
Wow! Maraming salamat po @steemp.cebu! Sa pangalawang pagkakataon napili nyo muli ang aking akda, nakakataba po ng puso! Asahan nyo pong ako'y muling magpapasa ng inyong akda upang isa ako sa makahikayat sa iba na sumulat rin sa ating wikang Filipino. Muli, maraming salamat po!
congrats insan @julie26
Maraming salamat @steemph.cebu ito ang unang pagkakataon ko na manalo sa inyong patimpalak.
congrats @juvirmaycaluma
**salamat po steemph.cebu. Ito ang unang pagkakataon na mapili ang aking gawa. Mabuhay po kayo upang magtuloy-tuloy ang inyong simulain.
Congrats din sayo 'san @beyonddisability!
congrats din @beyonddisability
Nais ko po sanang lumahok dito. Ito po ang kauna-unahang paligsahan na sinalihan ko. At sa ibaba nito nakalagay ang "link" para sa aking entry
https://steemit.com/literaturang-filipino/@jerylmaeada/literaturang-filipino-panloloko-sa-aking-pag-ibig
Ito po ang aking Entry ng Kwentong Pag-ibig sana po maibigan niyo 😊😊😊
Nais ko po sanang lumahok at sa ibaba nito ang aking akda para sa patimpalak na ito.
https://steemit.com/literaturang-filipino/@vinzie1/literaturang-filipino-kwintas
Salamat at nakahabol ako. Ito po ang aking entry https://steemit.com/literaturang-filipino/@zam398/sakim-na-pagmamahal