Papaano Pumipili ng ICO si Acoe

in #cryptocurrency7 years ago (edited)



Image Source

Nung namulat ako sa cryptocurrency nitong Mayo, aba aba ang saya ko! Kasi naman nakikita mong ang pera mo tumataas, ipinalit mo lang sya sa bitcoin tas nadadagdagan na. Sa totoo lang nung una kumbaga e testing the waters pa me, limang libong piso lang ang unang cash in ko sa coinsph. Na kalaunan ay padagdag ng padagdag hanggang di ko na namalayan mejo malaki laki narin pala ang nalagay ko. Buti narin at nalaman ko to, kesa sa nasa bangko ang pera ko. Nahiya nga ang per annum interest ko sa bank sa growth in a day, o minsan in a few hours, ng aking crypto investment.

Lakasan ng loob lang din. Totoo yung risk taker ka ba? kasi lalo syempre di ko pa knows mastado ang crypto pero gow lang ng gow!

Isa sa nakawilihan ko ang pagsali ng ICO o ang tinatawag na INITIAL COIN OFFERING. Parang makukumpara sya sa mas kilala nating IPO o INITIAL PUBLIC OFFERING ng mga kumpanya na listed sa stocks exchange.

Bale ang ICO, isang paraan ng crowdsourcing para mapondohan ng ibat-ibang teams ang kanilang mga brilliant projects. So, magpapadala ka ng BTC, ETH or kung anong crypto man na accepted ng project, tas kapalit nito bibigyan ka nila ng tokens nila. Para bang isa ka sa mga buena mano sa coin na to, isa sa mga naunang bumili.

Iba iba ang istilo ng mga ico. Yung iba may presale stage kung saan may discount o kaya bonus pag sumali ka sa stage na ito pa lang. Yung iba wala na nito, rekta na sa main token sale. Iba iba rin ang financial style nila. Ang iba may nakaset na ang CAP o ang maximum amount they are trying to raise for the crowdsale. Pag ganitong style, paunahan ang investors kasi pag na reach na ang cap, i dedecline na nila ang isisend mong contribution. Kung gusto mo talaga ng tokens para sa project na to, aantayin mo nun sya na lumabas sa exchanges. Yung iba naman na walang CAP, lahat ng gusto magcontribute tatanggapin nila. Unli kumbaga.

Proof ng kaadikan ko sa ico's- nitong 2017 trenta lang naman ang nasalihan ko.

  1. Aragon
  2. Mobilego
  3. Braid
  4. Superiorcoin
  5. Civic
  6. Tezos
  7. Status
  8. Bancor
  9. Monaco
  10. Wagerr
  11. Funfair
  12. Dcorp
  13. Zrcoin
  14. Starta
  15. Opus
  16. Dentcoin
  17. Everex
  18. Skincoin
  19. Boscoin
  20. Eos
  21. Dmarket
  22. Corion
  23. Chainlink
  24. Kyber
  25. Redpulse
  26. Quantstamp
  27. Blockvee
  28. Bankex
  29. Phireon
  30. BountyOx

Tas inaabangan ko ang Nucleus, Bluzelle at Gonetwork ngayong January. Ayoko po talaga sa ico. Wag nyo ko pilitin magjoin sa ico please.

Ang dami dami dami di ba? Pero mas marami pa ang iba na hindi nasalihan haha. Sa totoo lang, mas high risk nga talaga sya kasi may ibang ico na wala ka namang mapapala. Gaya ko, yung sa superiorcoin, nagkagulo sila sa team nila so thank you and goodbye na yun.

Pero mas marami sa lista ko ang magandang coins.

Paano ko ba pinipili ito?

  1. Pinakamahalaga para sakin ang team behind the project. Kasi kahit gaano pa kaganda ang proyekto, kung mahina ang team, wala nakakatakot sya.

  2. Ganda ng proyekto ang pangalawa. Anong gusto nilang i-achieve sa project? Ito ba ay para sa ikagaganda ng world? May mapapadali o mapapabilis ba sila at ang real-world application nya ay feasible? Basa bass ng whitepaper kahit nakakanosebleed na.

  3. Pagtanggap ng komunidad ang pangatlo. Hype kung baga. How popular is it sa crypto community? Kasi sa totoo lang we invest to earn. This is a good indicator of how profitable the project can be. Makibalita ka sa mga taong active sa crypto, yung mga nasa youtube gaya nina Ian Balina at Suppoman madalas nagbibigay din ng insights nila sa mga upcoming ico.

  4. Kelan sya lalabas sa merkado? Yan ang pangapat ko. Natutunan ko nalang yan along the way kasi minsan may nga ico na ang tagal naka tie-up ng pera mo. Marereview mo yan sa roadmap nila. Madalas sasabihin din naman nila ang plans nila sa mga telegram, discord or slack groups ng proyekto.

Di naman ako expert dito, learning parin naman ako. Pero ang masasabi ko, ang ico ay iang malaking chunk ng crypto-shopaholism ko haha.

Kung may madagdag ka comment lang, share mo rin ang experience mo.


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao and @steemph.manila

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Type in the box the witness account, example below for @precise



dreamielygif.gif

thealliance_ladies_3.png




Sort:  

Nakakatuwang basahin, mem! Halatang hndi adik! :D Excited na rin ako for myself. Sana talaga mas buo na yung loob ko this coming months to try crypo trading!

Thank you for this!

Haha walang makakapagpatunay na addict ako sa crypto hahahahha. Go na yan try mo muna small amounts hehe. Goodluck!

Video review of our gaming platform, what do you think?

I'll try to review when able :)

Pwede sa english?

Ay teka gawan ko translation mem now na!

Great post there, keep up good work !

This replay was created using STEEMER.NET Alpha ( support STEEMER.NET Transactor / Wallet / Exchange Project here: https://steemit.com/investors-group/@cryptomonitor/steemer-net-steem-blockchain-transactor-for-windows-android-app-funding-update-243-1200-sbd-28-12-2017 )

Ka daming choices! :D

Muntik ng maging unli yan mem

Thak you @dreamiely for this info.. :)

Thanks for this very informative blog @dreamiely. napakalaking tulong to sa amin mga bago dito sa steemit. keep up the goodwork! :)

Mejo wala pa akong enerhiya para mag review ng mga ICOs, pero si @kennyroy, meron na ding ilan. hehe

hashtag 2018Goals! :D

Anong ico's joined ni kenny? Ay nako madam kayang kaya mo yan!

Meron ciang electroneum chaka envion daw. Muntik akong napa NAGA coin last month. Yung client namin tinawagan bibili sana sken ng btc kasi mag iinvest daw cia. 😊 sasali din sana ako kaso naiwan ako sa presale. Hehe

This is not a financial advice. hehe

Ay ay ay nakalimutan ko magdisclaimer! At nakalimutan ko sabihin ang POWER! haha

Hi ma'am ganda @dreamiely salamat at may mga lessons naman na sinishare mo sa araw na ito ang galing nyu po. Ma'am @dreamiely questions po pasensya po sana masagot ninyu po need your guidance lng po ilang dollars po pweding ipa cash in ma'am? Thank you po happy new year!

Hello yellow ms @sharatots! What do you mean by ilang dollars po pweding ipa cash in? If sa coinsph peso to btc kahit magkano pwede! ^_^

Pasensya ma'am @dreamiely what I mean ang minimum na pwede magpa cash in. Salamat sa answer ma'am ganda.

Beautiful post! I like it and also impressed by your blog thats why I follow you.
keep it up dear @dreamiely

This post has received gratitude of 2.17 % from @appreciator thanks to: @dreamiely.