Application for Translator/Language Moderator for Utopian Collaborated with DaVinci

in #davinci-application7 years ago (edited)

English Introduction:

Good day!
I'm Maurene Ursal-Abuyot, turning 26 this coming 9th of September. I've finished Bachelor of Science in Mathematics, I was a former teacher for Grade 6 and Grade 9 students respectively. As of now, I'm a full time mom for my four month old child.
I am applying for Translator/Language Mod (if still available). I was a proofreader/translator in utopian before it was closed because of some abused cases.
I may not be a professional linguistic but it was included in our curriculum when I was in college. It helped me a lot, it help me grew and improved my grammar and vocabulary skills for my own language w/c is Filipino. In order to give a quality translation, your English Proficiency requires good comprehension, on how you understand what you are translating w/c is also needed a good vocabulary skills.
When I was doing my Translation, I have noticed something in some Projects I've translated wherein Tagalog and Filipino are translated differently. I would like to impart my knowledge and give some information about the transition of our mother tongue from tagalog to Filipino w/c proves that Tagalog and Filipino has no difference at all.
According to our law:
*Saligang batas ng Biak na Bato 1896 - w/c declared Tagalog as mother tongue because majority of its countrymen were using it.
*Saligang Batas 1973 - w/c improved and formally proclaimed that the mother tongue will be Filipino.
According to Lope K. Santos (Father of Filipino Grammar) President of SWP or known as Surian ng Wikang Pambansa (1941-1946)
Pilipinas w/c is the name of the country starts with letter P and Pilipino w/c is referring for its fellow countrymen should also starts with letter P and made to use F for the mother tongue w/c is Filipino. And therefore, Tagalog was just used as a basis for the present mother tongue.
I've also discussing this due to my concern with the Project owners and for those who giving us rewards. However, project owners still has the right to decide whether or not to include Tagalog in their projects. And this is my application. Thank you and God bless!

Ang Aking Panimula:

Magandang araw!

Ako si Maurene Ursal-Abuyot, dalawampu't anim na taong gulang sa darating na ika-siyam ng Setyembre. Ako ay nagtapos sa Pagpapakadalubhasa sa Agham ng Sipnayan. Ako ay dating guro ng Sipnayan sa ika anim na baitang at nagturo ng "Accounting" sa ika syam na baitang. Sa ngayon, aking ginagampanan ang pagiging isang inasa apat na buwang gulang sanggol. Nais kong makibahagi bilang tagapagsalin/tagapangulo sa pagsasalin ng wikang Filipino(kung nangangailangan pa). Ako ay dating balibasa/tagapagsalin sa wikang Filipino bago pa man tanggalin ng utopian ang katigoryang ito sa kadahilanan ng pagdami ng mga nang aabuso dito. Upang matagumpay na makamit ang dekalidad na pagsasalin, kinakailangan na ikaw ay tunay na nakakaunawa ng ingles upang sa ganun ito ay mahusay na mailapat at maisalin ng maayos sa wikang Filipino na nangangailangan din ng kahusayan sa balarila at bokabularyo. Nung ako ay tagapagsalin pa, may isang bagay akong napansin na ang tagalog at Filipino ay isinasalin ng magkahiwalay. Nais kong ibahagi ang aking kaalaman at magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa Pagbabago ng pambansang wika mula tagalog na ngayo'y Filipino na. Ayon sa saligang batas ng biak na bato (1896) na siyang nagtatalaga ng tagalog bilang wikang pambansa dahil karamihan sa mga mamamayan ay nagsasalita ng tagalog. Saligang batas(1973) na naglilinang at pormal na idineklara ang Filipino bilang wikang pambansa. Ayon kay Lope K. Santos na siyang ama ng balarila at pangulo rin ng SWP o surian ng wikang pambansa (1941-1946) na nagsabing marapat lamang na gamitin na ang titik 'P' sa unahan ng salitang pilipino alinsunod sa pangalan ng bansang pilipinas na nag uumpisa rin sa titik 'P' at gamiti ang titik 'F' sa salitang Filipino bilang wikang pambansa. Ito ay nagpapatunay lamang na ang tagalog ay isa lamang basehan ng kasalukuyang wikang pambansa. Ito ay aking tinalakay dahil sa aking pagmamalasakit sa mga may-ari ng proyekto at nagbibigay ng katumbas na gantimpala para sa mga tagapagsalin. Ang huling desisyon ay nasa kamay parin ng nagmamay-ari ng proyekto kung isasama parin ang wikang tagalog.

Links of my Contributions in Utopian:


-https://utopian.io/utopian-io/@mauabuyot/ancap-channel-from-en-1-083-words-has-been-translated-from-english-to-filipino -https://utopian.io/utopian-io/@mauabuyot/electron-translated-from-english-to-filipino-1033-100 -https://utopian.io/utopian-io/@mauabuyot/facebook-react-translated-1068-words-from-english-to-filipino

Reference: Transition of Tagalog to Filipino
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

English Introduction

Filipino Introduction