Yes, according to my title he's a beki. Well, once a beki to be exact. First year college ako non naging classmate ko siya. He's hell of a kind gay for fcks sake. Pogi sana kaso baklang bakla pumorma, may concealer foundation, blush on, at kung anong anek anek sa mukha na di ko alam ang tawag. Eh macho siya, yung biceps shape na shape sa uniform niya. I was on contrary just simple. Konting lip gloss at polbo lang okay na. But I'm hell a head turner. Okay naman yung ganong set up for me. Focus ako sa studies at wala akong pakialam sa kanya nun napapansin ko lang siya pagnapaka ingay nila nung mga beki niyang kasama. But not until my second year.
Pauwi na palabas na ng campus bandang 6pm. Late na dahil may tinapos pa akong written report hinahalungkat ko yung bag ko kasi di ko makita yung phone ko. Hindi na ako nagpasundo dahil gagabihin nga ako. Nag aabang ako nung sasakyan pauwi nung may red honda civic na tumigil sa harap ko..
NV
Him: Girl! San ka? Gabi na a, baka ma kidnap ka dyan sayang beauty.
Ako: Are you? Are you talking to me?
Him: Ay may attitude. Oo gaga! May nakikita ka bang di ko nakikita? Hatid na kita. Ay wait wag kang feelingera ha di ako mahilig sa tahong.
Ako: Eh sige.
Then ayun same way lang pala yung uuwian namin. Nagpakilala siya syempre ako din. Beki daw siya since birth. I find him funny doing those gestures kasi lalaki siya plus medyo bura na yung make up niya. He even asked me kung bakit ako tawa ng tawa. Then ayun sa amin pa siya nag dinner dahil pinilit ng mommy ko. Even my mom was fond of his ""girliness"" gaya ng pagkakasabi niya.
We became close, naging magkapartner sa projects, reports at even sa pageants na parehas din namin pinanalo. Minsan nagsisleep over din siya sa bahay at nagkukwentuhan kami magdamag about his dreams his hobbies like taekwondo. Sabi pa niya nung una gusto niya lang dahil pogi yung nagtuturo but as time pass by nagustohan niya na din. Wala daw sa plano niya magpasex change, okay na daw siya sa katawang lalaki. He asked me about my goals and my dream guy. As we call it we're each others BFFFF (Best Friend Forever Fretty and Fabulous)
He became my body guard and my driver. Taga hatid at taga sundo. Just a call away. Nakakatuwa na kahit beki siya that time ay isang text ko lang e kahit hindi pantay ang kilay niya e nakakapunta siya kung nasan ako. Hindi ako nagboyfriend dahil walang pumapasa sa kanya. Dapat daw kasi mas pogi sa kanya. Wala e. Then one time nagkagulo sa court dahil hinipuan ako nung isang cheerdancer nung pagsalo sakin. I cried hard after pisilin ng madiin ni Ken yung private part ko non e nakababa na naman ako. Tapos ayun si beks na axe kick agad yung loko. Pinigilan ko siya dahil may balak pa siyang gawing iba then umiyak lang ako sa kanya after. Pinag-quit niya ako sa cheerdancing.
On our third year, di ko alam pero nawawala na yung pagkagirly niya. Di na siya nagmemake up unlike dati. Madalas BB cream at lotion lang ang anek anek niya. Di na sya madalas nagkukwento about those 'poging boys' he encounter everytime. Hindi na din siya nagsisleep over sa bahay. Lagi niyang dahilan e may tatapusin siya sa bahay nila e wala naman kaming projects o ano. He always go to gym na parang nagpapamacho. I asked him why pero sabi niya parang may nagugustuhan daw siyang babae. Nagiging lalake na daw ata siya kasi balak niyang ligawan. Nasaktan ako dahil crush ko siya e. He's my ideal guy. Then nagkaroon ng ball sa campus.
Wala talaga akong balak pumunta but he insisted susunduin niya daw ako. Pero ibang lalaki yung sumundo sakin. Ang sabi pa busy daw si Beks kaya di ako masusundo. Then nung dumating kami sa hall I literally cried when I saw him there waiting for me in the middle with that bouquet of rose and a banner asking ""Can I court you BFFFF?""
"Meeting you outside the campus was destiny, asking if I can give you a ride home was dangerous. Being your friend was great. Falling in love with you was unintentional. I may not be the greatest guy you know. I was once a beki but I fell in love hard. That it made me realize being a guy is worth it when I have you by my side. You made me a man who will stand for love. Candy, let me court you. Let me show you how great it is to fall in love with a guy who was once a gay."
Maraming sumigaw, tumili pero mas malakas yung tibok ng puso ko. Lumapit lang ako sa kanya at niyakap siya. And after that day he courted me just like I'm the only girl he cherish. Naging kami after 5 months of courting at nagpakasal right after gumraduate at magkaron ng stable na work. Nagaaway kami, but hindi dumating yung point na naghihiwalay. We always end up hugging each other tight like there's no tomorrow saying how much we love each other.
2 years na kaming kasal and I'm 5 months pregnant. But the feelings, it's fresh. Our story will forever be in my mind and heart.
PS: Minsan pag wala ako sa mood tatawagin ko siyang "BFFFF!" tapos sisimangot agad siya. Ang corny niya daw kasi dati. But pag ako naman ang nagtatampo he'll make those gestures he use back (kahit ayaw niya) then tapos hahagalpak na ako ng tawa kasi ang cute cute niya don.
Preggy Piggy
College of Engineering, Architecture and Technology
(CEAT) 2005-2008
©DLSU fb