You are viewing a single comment's thread from:

RE: Ten things that I wish I can tell applicants during their interview

in #employment6 years ago

Yap, medyo nakakaloka minsan ang mga sagot nila. Pero tama ka rin, learning and fun yong experience. Yong "I prefer a leader..." hindi ko talaga ini-expect yong sagot. Winner nga! Sa dami ng na-interview ko ago nitong candidate, siya lang may mindset na ganun. Kahit ako, wala sa honagap ko yon eh. Now, I have the idea hehehe...

Nakakalungkot isipin minsan yong mga candidates masyadong focus sa kung anong makukuha nilang benefits sa company at hindi yong kung anong meron silang maipagmamalaki. Tingin ko isa yon sa mga kailangang matutunan ng aplikante.

Yong sinasabi nilang wala daw opportunity dito sa atin kaya ang dami ng unemployed at under-employed, ayokong maniwala. Malamang nga totoong kulang yong ratio ng aplikante versus job openings, pero hangga't may mga naka-paskil na job posts kahit saan, ibig sabihin may opportunity pa rin. Yong competence lang ng aplikante ang kulang. Parang sa amin, ang daming aplikante hindi naman pumapasa. Pano na? 😃

Ayan, napahaba ang paliwanag ko... 😃