Magandang araw po sa lahat ng mga kapuso, kapamilya ng ating magiliw na tahanang puspos ng pagmamahalan at kasiyahan @steemph, Bago ko po ibahagi sainyo ang nakakahiyang karanasan ay nais ko po munang magpakilala sainyo, ako nga po pala si @cradle, isang mapagmahal na ama at asawa sa aking anak at pinakamamahal na kabiyak.
Nais ko pong ipaalam na ito po ang aking opisyal na lahok para sa natatanging patimpalak ng ating ate na si mam @romeskie, Na pinamagatang "Ikwento mo sa Steemit". Sa araw na ito hayaan nyo po na ibahagi ko sainyo ang isa sa aking mga nakakahiyang karanasan na hindi ko malilimutan sa aking buhay.
Para sa kaalaman po ng karamihan ang aking akda ay halaw sa tunay na pangyayari.
Isang umaga ng sabado ako ay maagang umalis ng aming tahanan upang tumungo sa aking pinapasukan para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sanhi ng kaliwa't kanang pagkukumpuni at konstraksyon sa kakalsadahan. Ako ay dali-daling naglakad patungo sa tabi ng daan upang mag-abang ng masasakyang trisikel patungo sa terminal ng mga van (UV EXPRESS) na may byaheng Cubao.
Pinagkunan ng Larawan
Nang ako ay makarating sa terminal ay inakala kong walang pila ng mga oras na yon dahil nagtatawag ng pasahero ang dispatcher kaya nung nakita kong may nakahintong van at may mga pasaherong sumasakay ay agad akong sumakay upang makabyahe na kaagad. Nang puno ay agad narin pumanhik ang drayber. Ngunit may isang babae sa labas ang nagreklamo sinasabing kasama dapat siya sa mga nabilang na pasaherong makakasakay, nung ito'y aking marinig ay bigla akong kinabahan at lahat ng mga pasahero ay nagtinginan ng sabay-sabay sa akin, kaya upang hindi mapahiya ng husto ay agad akong umamin at bumaba ng sasakyan at humingi ng pasensya sa babaeng aking naabala.
Ngunit hindi pa pala dito natatapos ang lahat, dahil sa tagal bago ako nakasakay ay lalo akong nagipit sa oras, upang hindi ma late sa trabaho ay nagpasya akong sumakay nalang ng byaheng MRT-SM North at doon nalang ulit sumakay ng tren (MRT) pa cubao, nang ako'y nakapasok na ay aking itinapat ang beep kard sa sensor ng entrance ngunit ako ay nagtaka dahil ayaw tanggapin ng makinarya ang aking kard kaya paulit ulit kong sinubukan pero ayaw parin, kaya ako ay nagtaka bakit ayaw??
Pinagkunan ng Larawan
Mabuti nalamang ay wala gaanong tao ng mga oras na iyon, kaya naisip ko na magreklamo na agad sa gwardya, maya-maya ay may lumapit na sa akin na gwardya ng istasyon, kaya sinabi ko na bakit ayaw ma detect ng kard ko?
Gwardya
pakiulit nga po sir ang paraan nyo ng paggamit para aking makita at kung mapatunayang sira ay mapapalitan natin ng ibang kard.
kaya aking itinapat ang kard, ngunit bigla siyang napailang at napangiti kaya sinabi ko meron bang nakakatawa?
Gwardya
huwag po kayong magalit sir, ang pamamaraan na inyong ginawa ay mali, hindi po itinatapat ang kard sa LED Display ng makinarya, dapat po ay sa sensor.
Agh... ganun ba, mali pala ang tinatapatan ng kard ko hindi pala ito ang sensor?
Gwardya
Hindi po sir, yung hugis bilog po ang sensor ng makinarya,
Parang bigla akong natauhan, hindi naman ito ang unang beses ng pagsakay ko ng tren pero bakit doon ko pilit na inilalagay ang kard? Ako ba ay na blanko na dahil sa unang pangyayari? o sadyang nakaligtaan ko lang dahil sa pagmamadali! Nang ako ay makapasok na ng tren ay napapikit, huminga ng malalim at natawa nalamang ako sa aking sarili sa nakakahiyang sitwasyon na aking pinagdaanan inisip ko nalang na ito ay maswerteng araw at ako ay umaasa na wag na sanang maulit muli ang mga ganitong eksena, kayo na ho ang bahalang humusga kung ito ay katangahan o sadyang nakaligtaan lang (HAHAHAHA).
Hanggang dito nalamang at sana ay may leksyon kayong natutunan sa pagbabasa ng aking karanasan, marami pong salamat sa pagbasa!
Lubos na gumagalang!
cradle
Vote @steemgigs, @cloh76.witness, @ausbitbank, @kevinwong , @precise for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in into the first search box for witnesses.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us at Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us at Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us at Gratefulvibes Family on discord | https://discord.gg/JYUnUWV
Hahaha! Naku, mag-iingat ka po sa byahe at huwag masyadong paliparin ang isip sa kung saan. Minsan sa sobrang dami ng iniisip natin ay nawawala talaga tayo sa huwisyo. hahaha. Pero hindi ko talaga maiwasang tawanan yung pangalawang nangyari. hahahahahah.
Salamat sa pagbabahagi. :)
Congratulations @cradle! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Congratulations @cradle! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP