Ang taong edukado ay hindi lang makilala dahil sa taas ng kanyang edukasyon, minsan nasa kung paano siya matuto mula sa kanyang mga karanasan. Ang edukadong tao ay ang gumagawa ng mabuti. Alam kung anu ang kaibhn ng tama sa mali, ang mabuti sa hindi. Siya yung tao na marunong makipag kapwa tao at ginagamit ang talino at kakayahan sa mabubuting bagay. Sya yung tao na nagtatrabho hindi lang para sa kanyang pansariling interest ngunit para rin sa mga taong naniniwala sa kanyang abilidad at husay.
Ang taong edukado ay may prinsipyo at marunong umintindi ng mga bagay para sa kabutihan ng lahat.
Tayo ay tao at ang tao ay mg responsibilidad na gamitin ang kakayahan para maging maayos na nilalang. Ang tao ang pinakamataas sa lahat ng nilikha dahil siya ay may kakayahang mg isip, may pakiramdam at may kakayahang makapagtrabho para sa kanyang physical survival. Sabi nga ni Confucius," Life is not a delusion, it is a living reality, a blessing, a natural priceless right and opportunity to work together to attain hapiness".
Kimmy Vra Delincoln