Salamat - Sa Lahat (At sa magandang kalangitan)

in #faith7 years ago (edited)






Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na Iyong pinahihintulutan
Salamat, Panginoon


Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sayo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid mo sakin
Salamat, Panginoon





Kanta: Salamat Panginoon (YouTube Link)
Ang mga larawan ay kuha ng inyong lingkod: @blessednami. Galing sa Instagram.


Napakagandang letra ng kanta - ang galing ng puso ng sumulat ng kantang iyan - pati ng himig, pag iyong pinakinggan ay talagang mapapasabay ka. Singganda ng kalangitang gawa ng Diyos. Wala akong ibang nais gawin kundi ang pasalamatan Siya sa lahat ng bagay na aking natatamasa sa buhay - mahirap man o maganda - lalo na kung maganda.

Ikaw? Ano'ng mga pinagpapasalamat mo sa Diyos?

Sort:  

Nag papasalamat ako ky diyos sa aking buhay, at buhay ng lahat ng mga tao dito sa mundo. Keep improving.

Thank you so much!