FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE I. SEASON II: IKATLONG BAHAGI NG UNANG PANGKAT.

in #fiction6 years ago

“Tirikanghawten Mr. Shawn! Vanhawten!” at 'yan ang pagkakaalala niya sa tinuro ni Oca na good morning sa German.
Sa kadahilanang biglang naiba ang kuwento, maraming bagay na ipinaalala si Oca kay Shawn. Isa na rito ang kaniyang sasakyan na kayang maglulan ng 70. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang natameme si Mr. Shawn. Tila may nagalit sa among sobrang strikto. Kagagaling lang niya kasi sa Germany kasama ang mga kaibigang sina; Oca at Eldean.

Tinawag ni Shawn ang sekretaryang seksi at sinabing nitong ipagtimpla siya ng kape. Dali-dali namang sumunod ang sekretarya at iniabot ang mainit na kape sa among ubod ng sungit. Sumunod na eksena ay biglang sumakit ang tiyan ni Mr. Shawn. Tinatawag na yata siya ng kalikasan.

Pinigil niya ang pagsakit ng tiyan, subalit kinalaunan ay hindi na rin niya ito napigil. Tumakbo nang napakatulin si Shawn sa kubeta, sapagkat tila babagsak na ang hagdan-hagdang palayan. Pagdating sa inidoro ay umupo kaagad ang masungit na amo at sabay iri. "Aaaah aaah lalabas na! ang tae". Iba ang nangyari, bago lumabas ang malambot na tae ay umutot muna siya nang sobrang lakas. Utot na kayang gumiba ng isang kubo.

Hirap na hirap ang masungit na amo sa naranasang pagtatae, para siya nakikipagbuno sa sampung demonyo. Sa wakas natapos din ang paghihirap niya. Nang dahil lang sa kapeng tinimpla ni Jea ay sumama ang sikmura niya.

Ipinatawag ni Shawn si Jea at sinabon nang maigi sa kaniyang opisina. Nang biglang nakita ni Shawn na maganda ang hubog ng katawan nito. Ibig sana niyang pahabain pa ang sermon ngunit naawa siya sa pobreng sekretarya. Tila may nagalit din sa kaniya sa pagtitig sa magandang kurba ni Jea. Mala-Cara Delavigne kasi ang hubog ng katawan nito.

"Ibili mo na lang ako ng Diatabs Jea, nang sa gayon ay hindi na bumalik ang sakit ng tiyan ko. Samahan mo na rin ng Gatorade". "nanlalatang utos ni Shawn",

"Sir bakit hindi na lang Biogesic?". "tugon ni Jea".

"Ano ibig mong sabihin?"

"Sakit nga po ng ulo natatanggal, sakit pa kaya ng tiyan".

"Haha pukares. Ano ibig mong sabihin Jea? Walang laman ang utak ko? O baka naman ibang ulo ang nasa isip mo? Aba teka lang, huwag nga 'yang Biogesic na 'yan at baka magaya pa ako kay John Lloyd Cruz".

Napangiti na lang si Jea sa kaniyang kapilyahan at sinunod na lang ang utos ng amo. Sa isang banda malapit sa meeting room ay nakita na naman niya ang presidente ng kompanya na si Jhake.

Naamoy na naman ni Jea ang pabango ni Jhake. Manghang-mangha talaga siya sa kakisigan at kaperpektohan nitong si Jhake. Kaya lang ay medyo nagduda siya, sapagkat ang ginamit na pabango ni jhake ay pambabae. Napaisip tuloy itong siya kung bakit ganoon. "Gwapo, matipuno at mayaman ngunit bading pala. O kay boss Shawn na lang ako. Matangkad, macho, sakto ang kagwapuhan, mas mayaman kaya lang 'di ako sure kung daks ba si boss. "anas niya sa sarili".

Bago pa man may maaksidente si Jea ay bumili muna siya ng gamot sa isang sikat na botika. Nang makabili ay nagtungo na kaagad siya sa among halos nagdidiliryo na sa sakit ng tiyan. Kaya lang bahagya raw nawala dahil nakita nito ang hubog ng katawan ng kaniyang sektretarya.

Sa wakas nakarating na rin si Jea, pagkatapos ng kulang kalahating oras. Inabot niya ang gamot sa amo at sabay ngiti. Nginitian din siya ng amo at sinabing salamat. Tinanong din niya si Jea kung may gagawin ito bukas. Sumagot naman dalaga na wala siyang gagawin.

Habang naghuhuntahan ang mag-amo, bigla na lang pumasok itong si Jhake sa opisina ni Shawn. "Sir urgent po may meeting po kayo ngayon sa 69th floor. Andoon na po naghihintay ang kaibigan niyong si sir Eldean kasama niya ang mga negosyanteng galing Cebu. Si Bb. Kaya Tan, Gg. Pika Han at Thor Jack Anne". "sabi ni Jhake".

"Sige susunod na kami ni Jea roon". "tugon ni Shawn".

Nagtungo na nga sa 69th floor sina Shawn at Jea. Ilang minuto rin ang lumipas at nagtagpong muli ang magkaibigan. Masinsinang nag-usap sina Eldean at Shawn habang nasa gilid lang si Jea at ang mga staff ni Eldean.

Si Eldean ay galing sa prominenteng pamilya na nagmula sa SAUDIrn Leyte. Kinikila maigi ang pamilya niya sa nasabing lalawigan. Maraming negosyo si Eldean sa iba't-ibang bahagi ng Visayas gayon din sa Mindanao.

"Kumpadre! Masaya akong muli at nagkita na tayo. Maitanong ko lang naalala mo pa ba 'yong sinabi kong magtatayo ako ng beer house rito sa Manila? Kailangan ko kasi 'yong lupa na malapit sa may Robinsons Ermita".

"Oo naman naaalala ko kumpadre, pero hindi ko alam na seryoso ka pala. Sige tutulungan kita sa gusto mong negosyo. May mga babae ka ba?".

"Marami kumpadre. Masisikip pa. Ibig kong sabihin masisikip pa ang damit na binigay sa'kin ni Celine".

"Haha akala ko kung ano na ang masikip. Maaalahanin palang talaga ang asawa mo. Huwag kang mag-alala at ako ang bahala sa lahat-lahat. Tatawagan kita kapag ayos na ang lahat. Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka pa galing byahe".

Natapos na nga ang meeting nila. Habang nasa elevator sina Shawn at Jea ay tinanong ni Jea si Shawn ng isang pambihirang tanong. "Sir paano ko ba malalaman kung bakla ang isang lalaki?" "tanong ni Jea".

"Simple lan. Hipuan mo agad tapos pakiramdaman mo ang sigaw niya at saka kapag pumalag bakla 'yon. Hipuan mo ako ngayon para malaman mo kung bakla ako". "sagot ni Shawn".

Hihipuan na nga sana ni Jea nang biglang bumukas ang elevator. Lumubas na sila kasi nasa 13th floor na sila. Sabay na naglakad ang dalawa na para bang sina David at Goliath. Maliit na babae kasi itong si Jea, samantala si Shawn ay matangkad naman,

Sumapit na nga araw na lalabas sina Shawn at Jea. Tutungo sila sa lugar kung saan ay tahimik, tiyak at tunay na sagrado. Nang makarating sila sa naturang lugar ay nalaglag ang lipstick ni Jea. Hinabol niya ito sapagkat gumulong ito sa kabilang kwarto. Doon tumambad sa kaniya sina; Jhake at Brando. Napansin din niya na malamig na ang kapeng iniinom ng dalawa, sapagkat abala ang dalawa sa dapat nilang pagkaabalahan.

ITUTULOY NI DOCTOR @johnpd

Bakit sabaw na sabaw rin ang kwento na sinulat ko?

Abangan niyo na lang kung ano ang mangyayari sa susunod.

Setting sa isang Opisina
Karakter -
Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha. (ngunit medyo nagbago na si Shawn kasi nasa gitna na ng kuwento.)

Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki. (Jea)

Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right (Jhake, kaya walang love life ay bakla pala)

Elemento na maaring gamitin :
Lipstick
Corrupted File
Kape

Tema: Komedya

Unang pangkat:

@mrnighmare89

@oscargabat

@twotripleow

@johnpd

@itsokaye

Ikalawang pangkat:

@romeskie

@beyonddisability

@jemzem

@czera

@rigormortiz

Posted from my blog with SteemPress : http://twotripleow.steemitblog.com/wp/2018/10/16/filipino-fiction-tagalog-serye-i-season-ii-ikatlong-bahagi-ng-unang-pangkat/