Ang Makabagong Filipina

in #filipina7 years ago (edited)

Pananalita mo ay pag-asa sa binatang
hindi mapalagay sa damdaming nangangamba
Hindi ka matangay at mabenta ng mga salitang
matatamis na dulot lang ay parusa
Kilatis mo ang lalaki kung wagas ang pag-ibig
na dala-dala o nagtatago lang sa pandaraya
Makatotohanan kung mangusap ka dahil hindi
hahayaan ang sarili na mapahamak
Dahil alam mong sa puso mo ikaw ay
karapat-dapat sa tunay na pagliyag.

Ikaw ang makabagong Filipina.

Ang laman ng isipan mo ay hindi puro tele-nobela
ng mga artistang sa totoong buhay ay madrama
Kunwari’y maganda ang ending dahil dumating ang
prince charming pero sa kangkungan lang dadalhin
Iba ka na kung mag-isip, mas marunong magpasya –
dahil sa sarili may mataas na pagpapahalaga
Hindi ka na si Magdalena! Iniwan mo na ang piyestahan
ng mga kalalakihang ang alam lang ay kalokohan
Dahil alam mong sa puso mo ikaw ay
karapat-dapat sa tunay na pagliyag.

Ikaw ang makabagong Filipina.

Aminin mo! Hindi na akma ang mga katagang
ikaw ay mahinhin sa kilos at mabini sa ayos
Na isinasalarawan sa iyo ng mahal mong lolo
na taglayin mo bilang pamanang sikreto
Sa sariling paghagilap, ang hiwaga ay naapuhap
na ang bagong mayumi ay naipamamalas
Ng pusong humahalimuyak gaya ng bulaklak na
abot-langit ang sarap sa mapalad na tatanggap
Dahil alam mong sa puso mo ikaw ay
karapat-dapat sa tunay na pagliyag.

Ikaw ang makabagong Filipina.

14203138_1092889890799238_1647015872548742311_n.jpg
Image credit: Matt Rix Photography
https://www.facebook.com/MattrixPhotography/

(Pakiusap: huwag pong i-copy-paste sa labas ng platform ng steemit,
pero maari pong i-SHARE sa anumang Social Media.
No to plagiarism. Salamat po)

Join Discord channel para sa mga Filipino na gaya mo
@steemfamilyph here https://discord.gg/eav43vE

Sort:  

Very Good!please upvote and follow me.@mdyousuf

Hi, I just upvoted and followed you :)
Follow back and we can help each other succeed! @hatu
My Recent Post: Is Token Burn Bad?