TAYO NANG KUMILOS PARA SA KALIKASAN

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

Iyong tingnan ang ating kalikasan
Maganda ito kung may kalinisan
Ngunit mga puno natin nababawasan
Nakakalubgkot na kung iyong pagmasdan.

Pabago-bago na ang ating panahon ngayon
Makikita mo ang mga basura kanilang itinapon
Doon lang kikilos pag may pagkakataon
Marahil di na natutuwa ating panginoon.

Dati-rati hangin nilalanghap ay malinis
Ngayon ang amoy ay di na kanais-nais
Sa polusyos ikaw ay malimit mainis
Ngunit walang magawa kundi magtiis.

Mga isda sa dagat noon ay masaya
Ngunit maging ito ngayon ay di na kaaya-aya
Paano kung minsan tayo rin ay pabaya
Kalikasan sa atin ang s'yang bumubuhay
Mga puno at halaman na noon ay makulay

Kanilang kaligtasan ay nasa sa ating mga kamay
Alalahanin pangunahing kailangan natin kanilang naibibigay
Di pa huli para tayo ay kumilos at
magbago
Upang kalikasan dituluyang maglaho.

Kailan tayo matatauhan pag sinalanta muli ng bagyo
Panahon na para kumilos na rin tayo
Pangalagaan natin ang ating kalikasan
Huwag hayaang mawala ng lubusan
Magtulong-tulong tayo kapwa ko kabataan
Pagkilos ay atin nang simulan.

35B992AC-9455-4FD0-8D56-0A028C66F71B.jpeg
Photosource

Sana ay nagustuhan ninyo. Maraming salamat.

0727EBAF-10F0-43D1-B473-2F8759E706D5.gif

FEEC1E47-0BBB-40E9-B0DA-DFAEEAEDB1D2.jpeg

Sort:  


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png