Si Utoy

in #filipino-poetry7 years ago

Sa isang kalye nakilala ko si UTOY,
Siya ay isang batang palaboy,
Di niya kilala ang kanyang mga magulang,
Pagkat iniwan na siya nung siya'y sanggol pa lamang,

Kadalasan wala siyang almusal,
Pagkat kailangan nya pang mangalakal,
Di bale na raw magutom kaysa magnakaw,
Titingala nalang daw sa langit na bughaw,

Ngunit isang araw ay nabalitaan ko,
Na may isang batang nabaril sa may kanto,
Nagulat ako at nang aking nakita,
Si Utoy pala ang nakabulagta,

Tumulong lang pala si Utoy na hulihin ang magnanakaw,
Nang makita nya ang isang Ginang na nag sisisigaw,
Nakuha nya ang bag ngunit kapalit pala nito ay buhay,
Ang kawawang si Utoy di sadyang napatay,

Kung saan ka man ngayon kaibigan sana masaya ka,
Hiling ko na sana'y mapatawad mo sila,
Ikaw ay may busilak na kalooban,
Isa kang mabuting bata na dapat tularan.

Pinagmulan nang imahe
images (4).jpeg


@surpassinggoogle has been a great and amazing person please support him to vote as witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!

If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
received_1591355727614117.jpeg
received_10210399811408065.gif