Daling-dali nagpunta sa sulok
Umiiyak na naman ang kalangitan
Kulog, kidlat, hangin at kasabay ay mga luha,
Sunod-sunod ang pagpatak
Nanginginig sa takot
Yakap ang mga tuhod at nakabaluktot
May pilit winawaksi sa isipan,
Mga nakaraan na hindi matatakasan
Mga katanungan na hindi kayang sagutan
Masakit ang palo niya,
Masakit ang mga suntok
Masakit ang mga tadyak
Masakit ang mga salita na kanyang binibitawan
Bakit ganito?
Ganito ba ang pagmamahal na sinasabi nila?
Hindi ko maintindihan ang kanyang ginagawa
Pero ito ang aking mundo
Isang gabi umiiyak at sumisigaw ang kalangitan
Nagiindayog ang mga tanim sa kapaligiran
At heto na naman,
Tadyak, sipa, suntok at mga salita na hindi matatawaran
Nagdilim bigla ang aking sistema,
Hindi ko na kaya ang kanyang ginagawa
Bigla siyang bumalagta,
Nabititawan ko ang matulis na bagay
Nakangiting napaupo ako
Natapos rin ang aking kalbaryo
Magiging masaya na ba ako nito?
yes its your fault!
Lah, its just a poem dear hahaha