Sa napakalawak na mundong gumugulong sa ilalim ng mga paa.
Binabagabag ako ng mga tanong at duda.
Pagdududang, tama ba?
Tama ba ang pwestong kinalulugaran ko.
Dito sa mundong ibabaw, tama ba ang lugar na kinatatayuan ko?
Napapalibutan ng mga taong kilala ko,
pero hindi ng mga taong kilala ako.
Inaalayan ng mga ngiti sa labi,
ngunit walang may alam ng pait sa bawat ngiti.
Saan? saan ko makikita ang lugar
na masasabi kong "Dito"
Na dito ako nararapat dahil ramdam ko.
Nasaan kaya ang lugar na ito?
Matagal na nanirahan sa mundo,
pero hanggang ngayon ay nakagapang parin ako.
Nakagapang sa madilim na kwarto,
at hinahanap ang nararapat na lugar ko.
Dahil mahirap maging isang lobo,
sa isang kwarto na puno ng karayum na maaring kumitil sayo.
At mahirap ipalagay ang iyong pagkatao,
sa isang lugar na hindi mo kabisado
at alam mong hindi ito ang lugar na para sa iyo.
Kaya habang buhay na siguro
ang katanungang "Nasaan ang lugar ko sa mundo?"
Isang orihinal na akda ni @llivrazav, para sa lahat ng taong hinahanap ang kanilang kinalalagyan sa mundo, dahil pakiramdam nila ay walang nakakaintindi at walang merong may gusto sa kanila. Dama ko kayo! Sana ay nagustuhan nyo po ito.