Sariwa pa sa aking isipan,
ang mga salitang nanggaling sayong lalamunan.
"Mahal kita, hindi ko yan tinatago, pero bakit ganito?"
Patanong na sabi mo.
"Bakit parang ayaw ng mundo na maging tayo?"
Napaisip ako, at sinabi ko sayo.
"Kaya ba nawawalan ka narin ng pag-asa na maging tayo?"
Ika ko,
"Dahil ayaw ng mundo, ayaw mo naring ipagpatuloy to?"
"Oo" Agad na sabi mo.
"Kasi pagod nakong lumaban na kalaban ang mundo."
Nasaktan ako sa sinabi mo,
Kinurot ng yong mga salita ang aking puso.
Inakala kong lalaban pa tayo,
inakala kong hindi tayo susuko.
Inasahan ko na ang iyong sasabihin
ay mga habilin,
na hindi tayo susuko at tayo ay lalaban padin.
Lalabanan natin ang kamay ng sansinukoban,
Haharapin ang panghuhusga ng mga taong sating dalawa'y walang alam.
Babanggain ang mga balakid sa ating pagmamahalan.
Lahat ng yan,
aking inasahan.
Ngunit taliwas ang sinabi mo
sa inaakala ko.
Sa mundong puno ng
"Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana."
dinalangin ko na tayong dalawa ang
"Pinagtagpo at sana itinadhana".
Pero wala na,
aanhin ang "sana"
kung sa ating dalawa ay sumuko ka na.
Isang orihinal na akda ni @llivrazav, sana po ay inyong nagustuhan.
Naa ju'y mga in-ana nuh? Pinagtagpo pero hindi itinadha. OUCH! Ang saklap lang eh!
lage te, naa jud te. kanang effort namo duha, gihatag na tanan unya dli d.ay kamo ang destined. sakit jud sha te. di lalim huehuehue