"Siguro" | Isang Tula

in #filipino-poetry7 years ago

IMG_20180701_112140.jpg

"Siguro"

Isang orihinal na akda

Madaling araw at malamig ang ihip ng hangin,
Sinusubukang ipikit ang mga mata at nagbabakasakaling, dalawin
Ako ng antok.
Ngunit sa bawat pag pikit ay tila may kumakatok.
Katok na hindi nanggagaling sa pintuan
Ngunit isang katok na nag-iingay sa aking isipan.
Na shang pinipigilan na maramdaman ang ligaya ng pagkahimbing sa aking higaan.

Ang matulog ay mahirap,
Lalo't sa isipa'y may isang salitang paulit ulit na nahahagilap.
Isang salitang patuloy ang pag bulong sa isipan ko,
Pabalik balik na sinasabing "siguro".
Siguro, kung naging magaling lang akong kumanta marahil ay nagtatanghal ako sa harap ng madaming madla.
Siguro, kung naging magaling ako na manunulat marahil ay isang libong libro na ang aking naisulat.

Patuloy akong nag-iisip at sa bawat pag-iisip ay palalim ng palalim ang inaabot ng aking isip.
Siguro, kung naging palakaibigan ako marahil ay marami akong kasamang tinatawanan ang mga problema sa mundo.
Siguro, kung naging magaling lang ako marahil ay napapasaya ko ang mga magulang ko.

Habang patuloy ang paglangoy ko sa dagat ng aking isipan
ay unti unting naghihingalo ang mga positibong bagah na aking pinanghahawakan
Na parang taong nalulunod na kung saan ang paghinga ang tanging nasa isipan.

Siguro kapalit ng mga tawang aking binibigay ay isang lungkot na sakin lamang ibinagay.
Siguro mas kokonte ang sakit na iyong nadarama kung sa tabi mo ako ay wala.
At siguro mas mapayapa ang buhay mo kung hindi mo natagpuan ang isang tulad ko.
Oo nga, siguro.


Orihinal na akda ni @llivrazav sana ay inyong naibigan.