"Tulong"

in #filipino-poetry7 years ago

images (19).jpeg
Photo Source

Buong buhay na nakalutang sa karagatan ng aking isipan.
Buong buhay din nilagpasan ang mga bagyo at mga alon na nagsisilakihan.
Pero hanggang saan?
Hanggang saan ko kayang lumangoy sa karagatang ako ang nagdidikta ng daloy?

Tahimik ang mga alon at kalmado ang araw,
Sa isang iglap ang buong paligid ay nawalan ng ilaw,
nasaan ang araw?
Wala na akong liwanag na natatanaw.

Humampas ang napakalaking alon
ng problema,
Naanod ako at lumubog sa ibaba.
Ang mga nilalang na nakatira
sa aking isipan ay nagising na!
Hinawakan ang aking mga paa, at hinila ako sa mas malalim na banda.
Hindi ako makahinga, ako ay nalulunod sa karagatan na ako sana ang nagdidikta.
Hinihila ako pababa, kung saan ang liwanag ng pag-asa ay hindi ko na makita.

Nalulunod ako sa sarili kong isipan,
Sumisigaw ng "Tulong" sa mga bangkang dumadaan.
Hindi nila ako marinig,
Sigaw ako ng sigaw ngunit bakit parang walang tinig!
Napa.os ang mga boses ng kaligayahan.
Nawalan ng hininga ang pag-asang pinanghahawakan.
Hindi ako maka sigaw kaya aking ibinulong.
"Kahit sino lang, kailangan ko ng tulong!"

Sort:  

Good article Sir!

wow thank you so much for appreciating and taking the time to read. i hope i didn't waste your time reading the poem. Thank you so so much.

I hope to see your next article Sir, cause it's very interesting.

i'm still thinking to what my next poem would be. But you can visit my feed and read my previous poems, i hope you'll like them. 😊 Thank again for appreciating.

Napaka galing sir @llivrazav , Galing sa puso. Maraming salamat sa pagbahagi.

maraming maraming salamat po sir @fherdz at iyong nagustuhan ang aking tula. At maraming salamat at binigyan nyo ng oras ang pagbasa sa likha ko. salamat po ng marami.