Pag-ibig sa pangarap?

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

received_219751415279449.jpeg

"Pag-ibig sa pangarap"

Sa bawat hampas ng mga alon.
Sumasabay ang huni ng mga ibon.
Kung saan pag-ibig ko sana'y ibabaon.
Pag-ibig na hindi pa rin nilimot ng kahapon.

Buong akala'y limot ko na.
Ang nakaraang itatapon ko na sana.
Ngunit wari'y hangin'g bumibigkas.
Tinutukso ako't ayaw kumalas.

Sa kalawakan ng aking pag-iisa.
Hindi ko ibig na mukha mo'y ipinta.
Ngunit hirap akong limutin ang 'yong ganda.
Animo'y parti ng aking mga mata.

Labis ang paghanga ko sayo.
Simpleng dinig ng pangalan mo.
Ako'y natataranta't nagtatago.
At sekreto ako sa iyo'y nagsusumamo.

Para akong aso at ikaw ang buwan.
Walang ibang ginawa ngunit mata, isip at puso'y sayo lang nakalaan.
Kahit tanggap na 'di tayo magkapantay.
Nililikha pa rin ng isip na tayo ay bagay.

Ako'y walang balak huminto.
Madurog man at magdurugo itong aking puso.
Sapagkat ikaw ang pinipintig nito.
Kaya kahit tinig mo lang sadyang lumalakas na ako.

Kaya kong ipagdamot mo man sinta.
Ang nais ng aking nadarama.
Umiyak ang bukod tangi kong magagawa.
Hayaan na lang na patuloy akong umaasa.

Mundo koy biglang dumilim.
Pero babangon ako ng takip silim.
Upang makaiwas ng palihim.
Sa mga titig mong walang kasing talim.

Gugunitain ko pa rin ang umaga.
Kahit ninanais mong ako'y mawala.
Sarili ko'y 'di ipagsisiksikan sa iyong awa.
Sapagkat alam ko na kahit ako'y wala buhay mo ay puno ng tuwa.

pasensya n po @tagalogtrail e tag po kita. salamat po