"Pagpapatuloy"
Sa aking pighati, hindi tumitigil ang mundo
Yan ang sumampal sa akin ng totoo
Ako ay nalugmok at nagdusa
Sa mga desisyon ko noong una
Gayunpaman, wala na akong magagawa
Sa aking nakalipas, 'yon ay nakalagay na
Pagpapatuloy na lang aking landas
At pagkakamali ay di dapat maging wakas
Babalikan na lamang sa tuwina
Pero ito'y pupulutan ng aral na
At hindi na ulit isasabuhay pa
Sapagkat buhay ay patuloy na gumugulong ng kusa
Pakikipagsapalaran ay dapat tangkilikin
At huwag matakot sa kakaharapin
Dahil buhay ay mapagbiro kung minsan
Di mo namamalayan ang oras na lumisan
Tumawa ka hanggat kaya pa
Buhay ay ipagpatuloy at magpakasaya
Sapagkat,isa lang ito at natatanging pagkakataon mo
Kaya damhin mo ang sining ng buhay at mundo
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash
wow...wonderful post @themanualbot
i love your post and i like it . thanks
for sharing post
Gumaan ang pakiramdam ko nang mabasa ko ang tula mo. Maraming salamat :)