"Ang Buhay"
dinudurog ka man nito,
Ngumiti ka lang at wag sumimangot
Wag maging malungkot at mangamba
dahil may darating na biyaya
Wag kang magmadali, problema mo ay mapapawi.
Sa lahat nang tao na tinapakan ka at inalipusta
Ipakita mong malaki ang kamalian nila
Gawin ang lahat para sila ay mamulat
na ang taong inapi nila ay walang katulad
Hanapin mo ang mga talento at abilidad
at gamitin ito lagi sa mabuti
Tumingala sa langit at hanapin
ang mga bituin
na ang mga paa ay naka-apak sa lupa
Sa buhay, marami ang mga paghihirap
di mo maisip kung bakit ikaw pa ang makalalasap
Bakit? Yan ang laging tanong.
Wag magtaka dahil may kompyansa ka
Iba ka sa lahat ng aking nakilala
Gawin ang iyong gusto at mahalin ito
Matutung mahalin ang iba at maging totoo
Alagaan lagi ang katawan dahil isang buhay lang meron ka
Mahalin ang buhay dahil,
ikay natatangi at napakaganda.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
Ganda naman ng tulang ito.
Salamat! 😎
Ang ganda! Maraming salamat sa tulang to. Sa hirap ng pinagdadaan ko ngayon, dinagdagan ng lakas ng loob ko :)
Salamat @raphi00. Natuwa naman ako dahil nakatulong sa'yo itong tulang to. 😉😎
Masayang mabuhay sa mundong ibabaw, sa hirap man o ginhawa basta't nanjan ang katagang pagtutulungan ang buhay ay madaling dalhin.
very talented, keep on writing!