"Pananaw"
Nangangarap tayo na mamuhay sa ating mga pangarap
At kung minsan, tayo ay nagmamahal,
pasan pasan ang bigat na parang wala lang
Pinapatakbo natin ang mga hukuman na tayo ang may kapangyarihan
At sa isang banda, nagmumukha tayong tanga at kaawa-awa
Hindi natin alam, biktima tayo ng mga kasinungalingan
Isang delobyo ang dadaanan, mga pinsala'y kinakalimutan
Katulad ng ating koneksyon sa nakaraan
Mga pangarap na binitawan
Mga inggit na ating pinapairal
Panay sabi kung "paano" at panay kinig sa chismis
Paano mo paniniwalaan ang kakayahan mo sa mundo?
Nawala na ba ang lahat?
Mga taong nasalamuha, mga lugar na napuntahan
Kumakaway tayo na parang di na babalikan
Ngunit ang totoo, ay ginagawa natin ito
Takot kasi tayong lumuha
Iniiwasan ang pangungutya
Iniiwasan ang pagsisisi
Naparang basurang isinasaboy sa tabi
Ang usok ay makapal,
natatakpan ang ating damdaming naguumapaw
at kung ano ang gusto natin, talaga
Pumunta sa sulok na tinatawag na puso
ang kalungkuta'y di kaya kang patumbahin
Mag-wagi sa laban
Oras na para umusad at tignan ang larong ito na may tapang
Simutin ang init ng apoy at nang makita mo ang tunay mong pangarap
Ito ay aking pananaw
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash
I love that you posted Filipino poetry! I havent been exposed to this ever, evenwith many Filipino friends. I wish there was a translate button!! :)
I sometimes do write poetry with explaination. :)