#74 Filipino Poetry: "Keso de Bola"

images.jpg

"Keso de Bola"

Sasapit na naman ang kapaskohan
Nakahanda na ang lamesa at upuan
Hindi rin mawawala ang pagkain at inuman
Sama-sama ang lahat para sa isang malaking saluhan

Pasko na naman!
Excited na ang mga bata sa kakainin
Lechon, salad, keyk at mga kakanin
Samahan mo na ng isang malamig na inumin

Isa sa mga inaabangan ng magkakapamilya
Ang masarap na keso de bola
Ito ay pula ang kulay,
Bilog ang hugis at napakasarap pag pinares sa tinapay

Simbolo ito ng isang masaya at masaganang pasko
Para sa pamilya na buo at masayang nagkakasalo-salo
Ito ay karaniwan na sa Pilipino
Dahil hindi ito mawawala sa hapag ng pasko

Keso de bola, kahit isa lang ay masaya na sila
Kahit isa lang para sa isang pamilyang masaya
Kompleto na ang pasko ko kapag meron kami nito
Dahil isa ang keso sa mga paborito ko!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken here

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Thanks for sharing your new blog..

Happy holidays 🎄🎉

good post.
upvote+resteem done.

good writing skill.
resteem complete, thanks.

Upvoted! I love keso de bola and your poetry was great! lol. Merry Christmas!