#1 Filipino Poetry: “KAIBIGAN”

in #filipino-poetry7 years ago

FC6388CE-5EE4-4CE1-902C-0454B493BBA9.jpeg

Isa sa pinaka-masayang bahagi ng buhay ay ang pagkakaroon ng kaibigan. Yung sa hirap at saya, kalokohan at tawanan ay lagi mo siyang kasama. Maraming ala-ala ang nabubuo tuwing kasama natin ang ating kaibigan at sa tuwing may nakikilala tayong mga bagong kaibigan. Bagaman may kaibigang panandalian lamang natin kung makilala, nag-iiwan naman sila ng mga di malilimutang ala-ala na hanggang sa iyong pagtanda ay iyong dala-dala. Pinagpala ka namang maituturing kung hanggang sa pagtanda ay kasa-kasama mo pa rin ang iyong kaibigang matalik. Tunay ngang ang mga kaibigan ay kaloob ng Panginoon sa atin.

“KAIBIGAN” Kaibigan kong tunay kang
Maasahan sa oras na kailangan
Karamay sa lahat nang bagay
Katuwang sa lahat nang away

Ang kalungkutan ay papawiin
Sigla nang buhay kung palarin
Wag sanang lilimutin
Pagkakaibigan ating pagyamanin

Magkakaiba man nang mithiin
Iisa lang ang tungkulin
Pagkakapit bisig palawigin
Nang tayo pagpalain

At kahit na tayo’y walang pera
Ang bawat gabi anong saya
Hindi man tayo sagana
Di mapapantayan ang ligaya nang bawat isa

Naway nagustuhan nyo ang sinulat kong tula
Please Upvote For more Filipino poetry.

Sort:  

Congratulations @thepoetry! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes
Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!