source: Pixabay
Sa tuwing ako'y may problema
at alam mong dahil s kanya
walang pag-aalinlangan sinta
na ako'y iyong makita
Oo nga't alam nating bawal
at parehong nagpapakahangal
sa ating panandaliang ligaya
kahit handang magpasakal
Sa lugar na kung saan ay tago
dun tayo laging nagtatagpo
minsa'y gusto ko ng sumuko
subalit ayaw ng aking puso
At sa yakap mong mahigpit,
sabay ng iyong mga halik,
mga mata ko'y handang ipikit
sa ating bawal na pag ibig
Siguro nga'y sadyang ganun
mapaglaro ang panahon
hindi nabigyan ng pagkakataon
kung kaya't ang lahat ay tutol.
Ngunit hanggang kailan ba magtatagal
ang pagmamahalang bawal,
kung pareho nating alam
na panandalian lamang.
jsnsjs i'm emo
Lol.
Malalim masyado ang emosyon nito...
Bwahahaa! Matindi ba, Sir?
Hwag yang bawal, bawal yan:-)
Hahaha! Tama!
Umiibig kana ahh..
Haha! Its just a poem sissy. Hahaha!
kumusta!
Bawal nga eh! bawal! Hahaha... Magkakasala tayo nyan sa Dios! Hahaha...
Hahahah! Tama, Sir Ken.
Daming makakarelate dito :)
Hihi. Madami ba, Sir?.😄