Filipino Spoken Poetry # 1 : T A N G A

in #filipinopoetry7 years ago (edited)

Ang tulang ito ay para sa mga taong minsang umasa at naging tanga sa pag-ibig.

TANGA sila yung mga taong umasa na meron silang pag-asa,
Sa isang tao kahit alam nila na wala na.
Totoong nagmamahal pero pinaglalaruan ng mga paasa.
Ginagawang bola pinapasa sa iba.
Kahit paulit-ulit saktan, tumatayo at umaasa pa.
Ang tanga, tanga, tanga talaga!
Nagpapakatanga sa pag-ibig niya, nagapapakatanga sa pag-ibig
na walang-wala na.
Nagbubulagan sa katotohanan kahit
lantaran na.
Lantarang ipinapakita pero tila manhid na.
Maging ang sarili'y nakalimutan na.
Ang mundo'y umiingot na sa kanya,
ngunit ikaw na tanga,
wala sa mundo niya.
Masakit isiping wala ka, wala ka lang sa kanya.
Ngunit ang kalimutan siya ay di mo kayang magawa.
Pinipilit man ng utak na tama na, masakit na,
ngunit tila bingi ito,
dahil siya at siya parin ang sinisigaw nito.
Oo, sige TANGA ka na nga kung tawagin,
pero isa lang ang sasabihin ko,
magtira ka para sa sarili mo.

@hopefrecy

Nawa'y nagustuhan ninyo. Maraming Salamat!

Sort:  

Very nice

Thank for appreciating.

a beautiful information. @titanik

Thank you for a appreciating

Amazing poetry

Thank you