“Tanggapin mo sana”
Ikaw’y binibini nasa puso kana’t sa isip.
Kung imahinasyon ka lang sa’king pagtulog,
Naway di na ako magigising, totoo ako’y nahuhulog.
Baka manakaw sa iba taglay mong kagandahan.
Pansinin mo lang ako kahit di ako ‘yong tipo,
Dahil ako na ang pinakamasaya dito sa mundo.
Maganda at may dalisay na kaugalian,
Tanyag dahil sa ‘yong kabutihang asal,
Oo, ikaw na talaga aking dinarasal.
Isang magandang dilag ako’y nakatingin.
Umaraw’t umulan ikaw ang nais makasama,
Tanggapin mo kamay ko aking sinta.
@redspider