Let me tell you what are the five things to know for you not to get broke..
We all know that all of us don't want to get broke or poor.
So here are my 5 things to avoid for you not to get broke.
1. Iwasan Na Mapasama Sa Maling Barkada
Iwasan natin yung mga barkada natin na nag-eencourage sa atin gumastos, iwasan natin yung mga taong malalakas talagang bumili ng mga gamit na hindi naman kailangan. Minsan naprepresure tayo makisabay sa uso. Kung ano ang gamit niya, yun din sayo, kung ano gadget niya yun din ang gadget mo. No offense, huwag na sumabay sa taong di natin kayang sabayan. Example income niya ay 50k a month pero income mo ay 15k a month lng. Mahihirapan ka talagang sumabay kaya huwag na lang.
2. Iwasan Ang Mga Barkadang Malalakas Kumain
Pagsinabi na malalakas kumain, yung iba talaga magimik talaga. Kakameryenda pa lang mamaya meryenda ulit. Kakape pa lang kape pa more. Ang nangyayari pagmalakas kumain, alangan naman na tumingin ka lang. Kakain ka talaga.
3. Iwasan Natin Na Umasa Sa Swerte o Sa Iba
Walang naman talagang swerte o malas. Ang kinabukasan ay dinidiktahan not by chance but by choice. Kung ano yung pinili mo dun ka din papunta. Huwag ka din umasa sa ibang tao, kasi pag tayo laging umaasa sa ibang tao, umaasa ka na bigyan ka nang opportunity, pagkakataon o pera nang taong ito. Paano kung di ka bigyan? Eh di nganga?
4. Iwasan Natin Mangutang
May iba, utang is a way of life. Allergic mawalan nang utang. We cannot use debt as a crunch to support the lifestyle we cannot afford. Kung di natin kaya, huwag na bumili, huwag na mangutang. Chances are pagnangutang, ang hirap makabayad, ang hirap makatulog, stress ka pa.
5. Iwasan Natin Ang Panay Ang Gastos
May iba kasi bili pa more. Gastos pa more. Shop pa more. Ang nangyayari nun labas lang ng labas ang pera walang pumapasok. Connected lang tong 5 sa 4, sa sobrang gastos mo. Mapipilitan kang mangutang to support that kind of lifestyle sa sobrang gastos.
Kung makikita mo, kabit-kabit lang ang limang dapat natin iwasan so iwas-iwas na lang. :)