Ang nilagang gulay na talong ang syang pangunahin kong iniinum araw2x dahil nakakatulong sa akin lalo na kung hirap makatulog. Acidic kasi ako pag mataas ang acid ko hirap makatulog at nakakatulong din sya para mabawasan ang hirap ko sa paghinga, nahihirapan kasi akong huminga lalo na kung may nakain akong mga bawal na pagkain halimbawa mamantika, matatamis at subrang alat.
Pagmataas kasi acid ko, yon umaatake ang hika ko, double na problema ko ang hirap maghinga sa acid, hirap pa maghinga sa hika. Kaya iniwasan kong mastress kasi yon yong kalaban ng acid ko, pero minsan hindi maiiwasan mastress kasi ang anak ko hikain din. Kaya dalawa na kaming hinihika mahirap dahil kami lang dalawa ng anak ko sa bahay ang asawa ko ay nagtatrabaho sya, at medyo malayo kaya every saturday kung sya ay umuwi sa bahay at sunday ng hapon balik na naman sa work stay in kasi sila. Pero nasanay na ako sa aming kalagayan. Sa ngayon hindi sya pweding uuwi sa bahay dahil nasa Davao city sya at prone ngayon ang covid doon kaya sa mama ko muna kami nagstay ng anak ko.
Nagpapasalamat ako palagi sa Dios sa gulay na talong dahil malaki talaga naitulong kahit hindi sya gamot atleast may maganda syang naidulot sa akin lalo na kung gsto kumain ng medyo masarap na pagkain iinum agad ako ng nilagang talong, para makatulog ako agad.
Ngayon sa bahay namin marami akong tanim na gulay na talong, masarap kasi pag ang nilagang talong ay fresh pa.
Congratulations @aiza-cc! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!