Sana nga ay magkaroon ng masaganang ani ang mga magsasaka, ngunit sana din ay makarating sa lahat ng mga taong nais makakuha ng prutas at gulay nang hindi nagkakasuliranin sa pagdadala ng mga ito sa mga lungsod. 🤔 Minsan kasi ay ibinabalita na nabubulok lamang ang mga prutas at gulay sa mga bukirin dahil sa kakulangan ng mga sasakyan na nagdadala ng mga iyon sa mga palengke, lalo na kapag marami ang ani. 🤓
Heto ang isa pang (sariwang) !PIZZA! 😁
Sang-ayon ako sa iyo, @savvyplayer. Mahalagang makarating sa palengke ang mga ani ngunit malaking usaping pampulitika-ekonomiya ito. Ilang henerasyon nang sinusubukang sagutin ng mga politiko, ekonomista, aktibista, at ng akademiya ngunit ganito pa rin ang kalakaran. Salamat muli sa sariwang !PIZZA. 😁
Mahalaga na magkaroon ng mga maaayos na kalsada, murang pagpapadala ng mga sariwang produko, at magandang pakikipag-ugnayan ng mga magsasaka, mga mamimili, at mga negosyante, upang maging mura, mabilis, at sariwa pa ang mga nakukuhang prutas at gulay ng mga tao. 🤓
Talagang nagugustuhan mo ang aking sariwang !PIZZA! 😁
Maraming salamat sa sariwang !PIZZA, kaibigang Savvy. Maganda ang ating talakayan at malalim na usapan. Busog na ang aking wallet sa pizza tokens, nabusok pa ang aking isip sa makabuluhang usapan. Magandang araw sa iyo! 😁
Malalim nga ang ating pinag-uusapan, ngunit sana ay maunawaan din tayo ng ibang mga tao dito sa Hive. 😅
Depende sa laki ng isang !PIZZA ay nakakain ako ng hanggang 5 hiwa nito! 😁
Mahilig ka pala sa !PIZZA, kagaya ko rin. Malamang ay hindi tayo nauunawanan ng ibang tao dito sa HIVE pero malinaw sa mga Pinoy ang ating kuro-kuro sa iba't-ibang bahagi ng buhay. Mahihirapan si google translate para sa ibang lahi na nakikibasa ng ating sagutan sa lathalaing ito. 🤣
Depende din kung saan binili ang !PIZZA ang dami ng kinakain ko na PIZZA. 😏 Hindi ko lang alam kung may taong hindi nakakaunawa sa wikang Pilipino na gagamit ng oras upang gumamit ng tagasalin ng wika upang maunawaan ang mga pinag-uusapan natin dito. 😅
Sang ayon ako sa iyo. Hindi nga mag aaksaya ng panahon ang hindi nakakaunawa ng ating wika na magsalin ng ating usanpan para lang maka-tikim ng !PIZZA. Busog na ako. Sa susunod na pagkakataon muli... 😁