You are viewing a single comment's thread from:

RE: Egg Shell Water (Homemade Fertilizer)

in ecoTrain5 years ago

Nung may mini food forest pa ako, gumagawa rin ako nito. Hinahaluan ko ng apple cider. Hindi ko na maalala kung para sa pagwi-wither ng mga dahon ng sili yun o para hindi mamatay ang mga halaman ng kamatis after mamunga. Either way ipinangdidilig ko rin talaga sa lahat ng halaman ko yung calcium water na yun.

Oo, salamat talaga sa internet. Hahaha. Dami natututunan, pati paghahalaman. :)

Sort:  

wow apple cider! May napanood ako na video sa kamatis nya nilalagay ung egg shell water with vinegar. Teka..may dinidilig na pwede magwiwither ung dahon ng sili?

Nainis nga ako bakit hindi tinuro sa amin dati sa school ang pagtatanim. Buti talaga may internet. Sa internet ko lang din natutunan magcrochet. hahaha

Sa amin, tinuro naman ang pagtatanim s school pero hapyaw lang. Walang tips and tricks kagaya ng garlic spray, urine solution, eggshell water at kung anu ano pa. Haha.

Di ko na maalala kung ano yung ginawa kong solusyon dun sa nagwi-wither na dahon ng sili eh. Yun yata yung joy+water na panlaban sa aphids. Haha

Sana all. hahaha Naalala ko nung elementary pinaglandscape kami mga 2 times. Sana pagtanim nlang ng makakain ang tinuro. Pag naalala ko yun, natatawa ako kasi nagkalat lang naman kami imbes na pagandahin. 😂

Tama ka, joy + water pwede anti-aphids. 👍 Nilalagyan ko din ng oil para daw tumagal ung solution sa mga dahon. hehe