Magandang Buhay po sa lahat!!!
Nais ko pong ipakilala ang mapagmahal,magiting,mabait, at may pagka kwela kung minsan siya ay walang iba kundi ang "Mahal kong Ina". ☺☺☺ Lahat naman yata ng mga ina ay ganito kung sila ay ating ilalarawan.
Kung ilalarawan ko ang aking ina.Ang mga hilig niya ay ang pagkanta at pagluluto. Napakasarap njyang magluto. Kaya naman kung may fiesta ay kinukuha siyang magluto. Sa pagkanta naman namana niya ito sa kanyang ina na ngayon naman ay naman ng aking kapatid (@leehon). Sa kasamaang palad wala manlang ata akong namana mula sa kanya.☺☺☺
Ang aking ina ang naging bestfriend ko. Kaya tinawag ako ng mga kaibigan ko na "Mama's Girl" dahil kapag niyayaya nila akong mamasyal ay parati akong hindi sumasama sa kanila. Mas nanaisin ko pa kasing makasama ang aking ina. Na hindi ko pinagsisihan hanggang sa siya'y kinuha na sa amin ng poong maykapal. Tama ang iyong pagkakabasa wala na aking ina. Iyon ang pinaka masakit na nangyari sa tanang buhay ko. Gusto ko man ekwento sa inyo ang nangyari hindi pwede dahil hindi ko pa kayang mag kwento. Naiiyak pa rin kasi ako tuwing napag uusapan siya kahit limang taon na ang nakararaan. Kaya naman payo ko lang po sa inyo na:
"Pahalagahan natin ang ating mga ina. Mahalin ng lubos at wag magtaas ng pride kung tayo'y napapagalitan nila. Mapalad tayo na may mga ina tayong handang gawin ang lahat maging maayos lamang ang ating mga buhay".☺☺☺
At wag kayong mag aksaya ng panahon sa mga tampo-tampo na iyan bagkus lambingin,suyuin,pasayahin at mahalin natin sila habang nakakasama niyo pa sila. Dahil sa totoo lang ako na wala ng ina ay hindi ko na maipaparamdam sa kanya ang aking mga nasabi. Sa mga tulad niyo naman na kasama niyo pa sila lubuslubusin niyo na dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa bawat segundo ng ating mga buhay.Kaya mahalin natin sila na parang wala ng bukas.
Salamat po ulit sa inyong lahat. Sa pagbabasa ng aking munting kwento tungkol sa aking mahal na ina. Hanggang dito na lamang po. Mag ingat po kayo palagi. Pagpalain nawa po tayong lahat ng diyos.
nagmamahal,