Ang masasabi kong Una kong naging trabaho☺☺☺

in Pilipino4 years ago

Magandang Buhay po sa inyong lahat☺☺☺

Ito'y pag babalik tanaw lamang sa dati kong naging trabaho. Ito ay masasabi kong naging una kong trabaho pero, sa totoo lang ito'y pangalawa na. Kung baga ito iyong trabaho ko na talagang pinaghirapan ko muna bago ako natanggap.
9q88rv.jpg
Sa trabahong ito, isa akong kahera sa sa isang Mall. Ang pangalan ng Mall ay "Liberty Commercial Center or LCC" At ito ay sa Tabaco City Albay. Napadpad ako dito sa Tabaco iyon ay dahil ang tita ko ay dito na nanirahan. Noong mga panahon nq iyan ay kaka graduate ko lang ng College 2 years course computer at laderrize siya. Kaya naman ng akoy mag apply dito ay kahera ang aking kinuha at IT.

Sa simula palang parang gusto ko ng sumuko. Una hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Pangalawa isa akong estranghero sa lugar na ito. Ni hindi ko nga alam ang kanilang salita. Pero pinanindigan ko nalang ang aking pasya. Dito napagtanto ko na:

" Baka ito na nga ang hinihintay ko. Na kailangan kong sumugal para malaman ko kung tama ba ang naging desisyon ko o hindi."

Kaya naman pinagpatuloy ko ang aking nasimulan. Isang araw pagkatapos ng pagpasa ko sa aking resume kinabukasan ay tinawagan agad ako para interbyuhin. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. May mga nakasabay din akong mga nanag apply at syempre para naman hindi ako mag mukhang tanga at may makilalang bago para matulungan na din ako kung sakali, kinapalan ko na ang aking pag mumukha at naki pag kilala ako sa kanya. At salamat naman sa diyos at akoy kanyang tinanggap na maging kaibigan.
q88393.jpg
Iyon ang una kong naging kaibigan sa trabho kong iyon. Hindi na natin pahahabain pa ang kwentoko diretso na tayo sa kung saan ako'y natanggap at tinanong ako ng HR personel kung alin ang aking pipiliin na posisyon sapagkat pasok o nakapasa daw ako sa dalawang posisyon. Iyon na ang pagiging kahera at IT. Ang pinili ko ay ang pagiging kahera dahil hindi boring sa selling area. Hindi tulad sa IT nasa back office o opisina ka lang at mag hihintay lang kung may "POS o cash regester" na nasira.
mo0k5v.jpg
Maganda ang naging karanasan ko sa una kong naging trabaho. Nagkaroon ako ng mga katrabaho ko na naging kaibigan ko na tinuring nila akong kapatid. Tinuruan na matuto ng kanilang salita ng sa ganun akoy hindi maloko. Nakakamis iyong mga bonding moment namin. Kailan kaya ulit kami magkikita-kita? Iyong iba sa kanila my mga sarili ng pamilya. Halos anim na taon na rin kasi ang nakakalipas simula ng umalis ako dun sa Tabaco at umuwi dito sa Leyte. Pero okay lang alam ko naman sa aking sarili na darating din ang tamang panahon at kami ay magkikita kitang muli.

Hanggang dito na lamang po. Mag ingat po kayo palagi at wag pabayaan ang mga sarili. Salamat sa walang sawang pagsuporta sa aking mga inilathala.

ang iyong lingkod,

@flordecar26