Magandang Buhay po sa inyong lahat☺☺☺
May isang tao na bang nagpangiti sa inyo? Malamang meron na at baka nga marami pa. Pero itong ngiting aking sinasabi ay talagang tagos sa puso kung baga. Na umabot sa puntong ang ngiting iyon ang nagpaiyak sa iyo. Hindi sa literal na ibig sabihin ha, iyon bang mas kilala natin sa ingles na "Tears of Joy"
Masakit mang balikan ang parting ito ng buhay ko, nais ko pa ring ibahagi ang hindi ko malilimutang karanasan. Sa pamagat pa lamang na aking isinulat naiiyak na ako. Ito kasing panahon na ito na nakita kung ngumingiti pa rin ang aking ina sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman. (Mga panahon na siya ay nasa hospital upang magpagaling) Nakita ko ang tunay na ngiti na hindi mo ka kikitaan ng pag ka "fake". Talagang totoo ang kanyang ngiti. Na siyang nag paiyak sa akin, at nagbigay sa akin ng pag asa na:
" kahit na ano paman ang mangayari ay wag kalilimutang ngumiti. Masaya, malungkot o mapait man ang nasa likod nito."
Kaya naman sa tuwing titingnan ko ang bawat larawan ng aking ina, ay di ko maiwasan ang mapaluha dahil halos lahat ng kanyang litrato ay pawang nakangiti siya. Nagiging emosyonal nalang siguro ako sa kadahilanang mis na mis ko na siya ng sobra-sobra. Mama kung nasaan kaman po ngayon, gabayan niyo po kami palage at wag kang mag alala sa amin ang iyong ngiti ang mag sisilbing gabay namin sa pang araw-araw ng aming buhay. I love you too the moon and back mama.
Hanggang dito na lamang po mga kapwa ko pilipino. Medyo naiiyak na ako dito ehh.☺😜☺ Nais kong magpasalamat sa walang sawang suporta na iyong ibinibigay sa akin sa bawat blog na aking inilalathala. Ipinagdarasal ko palagi na sana ay mawala na ang virus na ito, at maging ligtas tayong lahat.
ang iyong lingkod,
Yay!
Your post has been boosted with Ecency Points. Keep up the good work!
Dear reader, Install Android: https://android.ecency.com, iOS: https://ios.ecency.com mobile app or desktop app for Windows, Mac, Linux: https://desktop.ecency.com
Learn more: https://ecency.com
Join our discord: https://discord.me/ecency
Ang pagmamahal natin sa isang tao ang nagkapagpapaiyak sa atin. Kaya ok lang yun dahil sigurado tayo na mahal natin sila. Mabuhay po!
Tama po kayo @pilipino dahil nga sa mahal natin sila☺☺☺