Travel Goals naming Mag Nobya #:01

in Pilipino4 years ago

Hello po sa inyong lahat☺☺☺

Tulad po ni @leehon bago lang din po ako dito sa #hive. At nais ko pong mapasama sa komunidad na may layang maglathala ng saloobin ng bawat isa. Katulad na lamang ng inilathala ni @flordecar26. Siya ay aking Nobya kaya nabasa ko ang ibinahagi niya dito. Sa pagbabasa ko ng kanyang blog nakuha ko ang nais iparating ng komunidad na ito na pinamumunuan ni @pilipino na siyang nag imbita sa aking nobya. Na ang nais nitong ipahiwatig ay:

" upang mas maintindihan natin ang nilalaman ng bawat blog na kanilang ibinabahagi"

4znimr.jpg

Kaya naman nais ko rin ibahagi sa inyo ang mga nagdaang gala namin noon. Dahil kung ngayon kami mag gagala ay hindi naman pwede dahil nga sa may kinakaharap tayong epedimya. Kaya po manalangin tayo na sana po ay matapos na ito at makapaglakbay muli sa mga lugar na nais natin puntahan. So itong travel na maibabahagi ko sa inyo ay isang memories na lamang po.

Yan po ay matatagpuan sa probinsiya ng Leyte, Bayan ng Babatngon kung kayoy makakapunta dun masasabi niyong nasa gitna siya ng kagubatan ang pasyalang iyan ay pinangalanan nilang "Balay ni Tatay" o Bahay ni Tatay sa salitang tagalog. Inihandog nila ito sa kanilang ama. Maganda dun kasi ma fefeel mo talaga ang sariwang simoy ng hangin. Nagtataasan na puno at nag gagandahang mga bulaklak na ginawan pa nila ng maliit na falls. Talagang mabubusog kayo sa ganda ng tanawin na iyong makikita. At pati na rin sa pagkain na meron sila sa kanilang restaurant.
76l0vb.jpg

Oh siya hanggang diyan nalang ang aking ma kukwento. Basta kung sa lahat-lahat na masasabi kung the best ang lugar na iyan.☺☺☺ Abangan niyo akong muli sa susunod kong pagbabahagi ng aming travel goals #:02. At naway matulungan at magabayan niyo rin ako sa bago kung paglalakbay sa platapormang ito.

ang iyong lingkod,

@jearo101

Sort:  

Maraming salamat po ginoong @jearo101 sa inyong pagsali sa kumunidad na ito. Lahat ppo ng Pilipino ay aming maligayang tinatanggap dito. Napakaganda po ng inyong karanasan sa paglalakbay kaya natutuwa po kami na ibinahagi ninyo ang mga ito dito po sa ating kumunidad at sana po ay magkatulungan tayo sa pagpapaunlad nito.

Salamat po kay @flordecar26 sa pag-anyaya rin sa inyo. Mabuhay po ang mga Pilipino dito sa Hive!

Walang anuman po @pilipino☺☺☺ Magtiwala lang tayo at mapapaunlad natin ito.

Congratulations @jearo101! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You distributed more than 50 upvotes. Your next target is to reach 100 upvotes.

You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Hive Whale - Make it spray and get your badge!
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!