Hello po sa inyong lahat☺☺☺
Handa naba kayo sa susunod kong kwento tungkol sa travel goals namin ng nobya(@flordecar26) ko? Dadalhin ko po kayo dito pa rin po sa Probinsiya ng Leyte pero sa bayan naman ng Baybay. Ang bahaging ito ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Bisayas.
Ang pasyalan na ito ay tinawag na "16 thousand roses". Una namin itong nakita sa facebook page. At ito namang nobya ko (@flordecar26) basta't sa galaan ay hindi nag papahuli. Gagawin siguro nitong lahat mapuntahan lang ang isang lugar na nag papa lakas ng kuryosidad nito. Ang unang impresyon niya kasi dito ay kung totoo ba o gawa lamang sa material na bagay ang mga bulaklak na iyan. Kaya naman nag set kami ng araw kung kelan pupunta. At ng makapag set na napag desisyunan agad namin na pumunta. Kasama namin dito ang kapatid niya (@leehon) at ang kanyang katrabaho.
Ng makarating kami sa nasabing lugar dun namin napagtanto na hindi pala iyong buhay na mga bulaklak. Gawa lamang ito sa material na bagay. At pag sa gabi mas lalo itong gumanda dahil sa may mga ilaw na nakapaloob sa gitna ng bulaklak na siyang nagbibigay liwanag nito sa gabi. Makikita niyo rin dito ang ganda ng tanawin dahil ang parting ito ay nasa ibabaw ng bundok. Kaya makikita ang bayan ng nasabing lugar. Sobrang ganda at hindi kayo magsisisi kung makarating kayo dito. ☺😙😊
Hanggang dito na lamang po. At magkita-kita po tayong muli sa susunod kong kwento. Bago ko nga pala makalimutan nais ko pong mag pasalamat kay @pilipino sa maluwag na pagtanggap sa akin sa komunidad na ito. At hindi lang po sa kanya sa inyo pong lahat sa pagsuporta sa akin kahit na ako ay bago pa lamang. Ingat po kayong lahat at God Bless.
ang iyong lingkod,
Ang ganda po ng inyong mga paglalakbay. Ngayon sa naraming bulaklak naman. Sana makarating din ako dyan. Mabuhay!
Makakarating ka rin dito magtiwala ka lang sa sarili mo. 😊😊😊
Ay Ganda mas dinamihan nila ang 10,000 Roses dito sa Cordova, Cebu...
Kaya nga po. Sobrang ganda😊😊😊