Ang Aming Pasaway na Ama☺☺☺

in Pilipino4 years ago

Magandang Araw po sa inyong lahat☺☺☺

Nais ko pong ipakilala ang pasaway naming ama ni @flordecar26. Opo pasaway siya dahil dala na siguro ng kanyang katandaan. Isa na siyang "senior citizen" ngayon kaya naman panay ang pag papasaway.☺☺☺
znhlws.jpg
Kinatatakutan namin ang aming ama noong maliliit pa lamang kami. Sa kunting pagkakamali lage kaming pinapagalitan nun. Dumating sa part na nag kimkim ako ng sama ng loob sa kanya hanggang sa lumaki na kami. Pero ito'y na wala nung mawala rin dito sa mundong ibabaw ang aming ina. Marahil ay gusto ng aming ina na kami ay magkaayos at tanggalin ang sama ng loob upang makapag patuloy na maginhawa ang aking pakiramdam. Pero ngayon ko lang din napagtanto na noong mga panahon na iyon, na kami ay pinapagalitan sa bawat pagkakamalit ay makabubuti pala sa amin. Dahil nga:

"walang magulang na nanaisin na mapariwara ang kanilang mga anak, sapagkat ang anak ang kanilang tanging yaman".

Kaya naman ngayon naiintindihan namin ang pagiging pasaway ng aming ama. Dahil marahil noon ganun din kami ka pasaway.😂😂😂 Kaya sa mga tulad kong may pasaway na ama, kailangan natin ng mahabang pasensya katulad ng ginawa nila noon ng mabata pa tayo. Mahalin at alagaan natin sila katulad din ng pag aalaga na ginawa nila sa atin. Kung baga ibalik natin sa kanila ang pag aaruga na ginawa nila sa atin noong tayo'y mga musmos palamang hanggang sa natuto na tayong mah desisyon para sa ating mga sarili.☺

Hanggang dito na lamang po mga kapwa ko pilipino. MARAMING SALAMAT PO sa walang sawang suporta na iyong ibinibigay sa akin kahit na akoy baguhan pa lamang dito. Ingat po kayong lahat.

truly yours,

@leehon