Magandang Araw po sa inyong lahat☺☺☺
Akoy kasalukuyang nag tratrabaho sa public market dito sa amin. Ang pinapasukan kong trabaho ay tindahan ng mga "dry goods". At dito sa aking pinag tratrabahuan nakilala ko ang aking "Buddy" sa lahat.
Tulad ko isa rin siyang linalaki or "tomboy" kaya siguro naging malapit kami sa isa't-isa. Ka trabaho ko siya noon pero ngayon hindi na. Nasa Cebu siya ngayon. Magkasa din kami na pumunta sa Cebu last year upang doon makipag sapalaran. Sa kanila ako tumira. Sabay kaming nag hanap ng trabaho hanggang sa makapasok sa isang pabrika ng pagawaan na mga ibat't-ibang uri ng sako. Pero hindi ko kinaya ang trabahong iyon at nag desisyon na umuwi na lamang dito sa Leyte at bumalik sa dati kong pinagtrabahuan. Iyon ang time na naghiwalay na kami ng aking buddy o matalik na kaibigan. Palagi naman kaming nag uusap sa phone. Gustuhin man naming magkita ay hindi pwede dahil mahirap ngayon ang bumiyahe,lalo na at sa Cebu pa. Na siyang nangunguna ngayon na may pinaka maraming COVID cases. Pinag prapray ko nalang na sana maging ligtas sila at tayong lahat sa virus na ito. Nagtitiwala nalang din ako sa ating poong maykapal na matatapos at magkikita din kaming muli sa tamang panahon.
Hanggang dito na lamang po mga ka pinoy.Ingat po kayong lahat palage at God Bless.
truly yours,
Darating ang panahon magkikita ulit kayo ng iyong kaibigan. Mabuhay!
Ou nga po @pilipino salamat ng marami☺☺☺