SA PANAHONG NG KAHIRAPAN AT KAGULUHAN, ANO ANG DAPAT NATING GAWIN?

in Pilipino4 years ago (edited)

Ginulat ng Covid19 pandemic ang buong mundo. Walang bansa na nakakaalam na ito ay darating at walang nakahanda dito, kaya maraming buhay ang nawala at di natin alam kung ilan pa ang magiging bilang ng mamatay dahil sa sakit na ito.

Maraming nagtatanong kung bakit marami ang namatay sa bagong coronavirus. Ang sagot ay simple; Dahil ang Biblia ay nagsalita na may panahon ng pagpatay at panahon ng kamatayan.

glass.jpgphoto credit

Eclesiastes 3:1-3

  1. Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:
  2. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;
  3. Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;

Ang panahon at oras sa silong ng langit na tinutukoy ay ang panahon at oras ay dito sa lupa, hindi sa kaharian ng Dios dahil isa lamang ang panahon doon.

Ang panahon ay parte ng naturalesa dito sa lupa, may panahon at oras para sa lahat ng bagay at sa bawat dahilan – tulad ng panahon ng kapanganakan, ng kamatayan at pagpatay.

Kung kami ang tatanungin, ang panahon ng aming pagsilang ay dumating na at ang kamatayan ay darating pa lamang. Ang tao ay namamatay sa iba’t ibang paraan, Habang ang iba’y namamatay ng payapa, merong namamatay sa kakaibang paraan – maaring ito’y malagim na pagkamatay o maaring ang isang tao ay maratay sa sakit ng mahabang panahon habang dumadanas ng mga hirap bago mamatay, tulad ng mga biktima ng Covid19.

Ako’y naniniwala sa henerasyong ito, marami ang nakatakdang mamatay sa pandemyang ito. Ang mga nasasawi sa buong mundo ay umabot na sa daang libo at patuloy itong tumataas. Ito ang katuparan ng nakasaad sa Biblia: panahon ng kamatayan… panahon ng pagpatay.

Sa pangkalahatan, lahat ng tao ay nagnanais na mabuhay ng matagal. Kahit ang tao ay di makapagsasabi kung hanggang kelan ang kanyang buhay, maari siyang umasa ng paghaba ng buhay kung magkakaroon siya ng takot sa Dios.

Tulad ng nakasaad sa Kawikaan 10:27

Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.

Kahit na may nakatakdang oras para ang tao ay mamatay, merong isang daang porsyentong posibilidad na ang Dios ay magpapalawig ng buhay kung, bago ang takdang kamatayan ay dumating, sila ay magkaroon ng pananampalataya at takot sa Kanya. Maaring patagalin o hadlangan ng Dios ang kamatayan ng tao. At ito ay maari dahil hawak Niya and panahon at oras, at sa pamamagitan ng kanyang awa, maaari ng pahabain ang mga araw ng mga natatakot sa kanya.

path.jpgphoto credit

Ang Biblia ay may bilin sa mga kabataan kung paano magkakaroon ng mahabang buhay.

Epeso 6:1-3

  1. Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
  2. Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),
  3. Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

Ayon sa salita ng Dios, ang mga batang masunurin sa kanilang magulang ay may pangakong mahabang buhay. Tayo’y makasisiguro na ito’y makapangyayari dahil ang salita ng Dios ay hindi pwedeng maging mali – ito ay laging totoo.

Sa mga kabataan, ang susi sa mahabang buhay ay ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, dahil tayo ay makasalanan, nasa ating pagsisisi sa ating mga kasalanan at ating pagkatakot at pagsunod sa Dios.

Kaya, kung gusto mong maligtas sa pandemyang ito na ating kinahaharap ngayon, kung gusto mo pang mabuhay ng mahaba, makita ang mga araw na darating, magsisis ka sa iyong kasalanang nagawa, sumunod sa utos ng Dios, lumayo sa kahit na anyo ng masama, at magsimulang lumakad sa katwiran.

sick.jpegphoto credit

Maaring, ang pangmundong krisis sa kalusugan ay nakatakdang mangyari dahil maraming mga tao ngayon ang walang takot sa Dios; maaring isa itong panggising sa ating lahat.

Nakakapanghina sa mga panahong ganito, mayroon paring mga taong na nananamantala sa kapighatian ng kanilang kapwa. Meron sa mga ito na nagtatago ng mga paninda at ibebenta ang mga ito sa mas mataas na halaga. Ang masama, mayroong mga opisyal ng gobyerno na sila ang unang naginteres sa ayudang ibinigay ng nasyonal na pamahalaan para sa mga mahihirap na pamilya – meron iba na kalahati lang ang ibinigay sa mahihirap na pamilya. Walang mga puso!

Malapit na sa kalahating taon mula ng magsimula ang paglaganap ng Covid19. Sa panahong ito, maraming tao ang sawang sawa na sa community quarantine at nagrereklamo na sa limitadong paggalaw. Gusto ng mga tao na matapos na ang krisis na ito at bumalik na sa normal na buhay. Datapwat, ito lang ay magaganap kung ang virus ay maiiwasang lumaganap. Upang magawa ito, ang kooperasyon ng lahat ay kailangan. Ngunit habang ang mga mamayan ay patuloy na lumalabag at walang kooperasyon sa mga palatuntunang ipinatutupad ng gobyerno – tulad ng pagsusuot ng mask at pananatili sa loob ng tahanan – ang community quarantine ay malamang na manatili. Nararapat lamang na tayo ay makiisa, mas mabuti ng magsakripisyo ng kaunting hirap ngayon dahil wala pang lunas ang Covid19 sa ngayon, kesa naman manatili tayo habang buhay sa takot at pagdurusa.

hospital.jpgphoto credit

Ano ang maari nating gawin para sa ikabubuti ng lahat. Ang kailangan natin ay magtulungan sa isa’t isa. Kailangan nating tulungan ang gobyerno. At kailangan nating gawin ang para sa atin, gaano man kaliit ito, sa pagpapalubag sa ganitong sitwasyon.

Sa atin, kahit na ang pangunahing nais natin ay makapagambag sa mga tao ng salita ng Dios, at ng mga turo ni Kristo sa Biblia, aming nalalaman na aming obligasyon na gumawa ng mabuti sa lahat.

Walang nakaaalam kung hanggang kalian maghahasik ng kaguluhan sa sangkatauhan ang Covid19. Dahil sa hindi kasiguruhang ito sa ating unahan, iisa lang ang maari nating takbuhan, kundi ang pangalan ng Panginoon. Kaya huwag nating kaligtaan na tumawag sa Kanyang dakilang Pangalan at humingi tayo ng Kanyang awa. Ating ipananlangin na ang “panahon ng kamatayan” at “panahon ng pagpatay” ay lumipas sa atin sa madaaling panahon, at ang kagalingan ay sumaating lahat. Ang buong sangkatauhan ay nangangailangan ng lunas na sa Dios at sa Panginoong Hesukristo lang natin matatagpuan.


line2.png

The Photohiver

@picsart


line2.png

If you have passion for writing and wants to earn.
You Can Now Join Hive. Click Here

Sort:  

Salamat po sa iyong paglalahad ng katotohanan. Marami kaming mmatutunan sa akda mong ito.

Congratulations @picsart! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 1000 upvotes. Your next target is to reach 1250 upvotes.

You can view your badges on your board And compare to others on the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @hivebuzz:

Introducing the HiveBuzz API for applications and websites
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!

Let's get connected po