PINOY MUSIKA: AKO'Y ISANG PINOY

in Pilipino4 years ago (edited)

▶️ Watch on 3Speak


Magandang araw sa lahat!

Pasisimulan ko po ang Pinoy Musika. Maari po kayong gumawa ng bidyo na ang nilalaman ay tagalog o kahit na anong Pilipinong dayalekto. Kung may mga orihinal na kanta po kayo pwede ninyong ilagay sa kumunidad na ito.

Binabalak ko pong mag daos ng patimpalak na ang ipakikita ay mga bidyong musika, ngunit ako po ay naghahanap pa ng pampapremyo. Kaya simulan na po natin ang paggawa ng sarili nating bidyong musikal.

Ito po ay naglalayong malinang ang ating kakayahan sa paggawa ng mga orihinal na awiting pilipino na maari nating ibahagi sa buong mundo. Malay po natin, may makapansin ng ating mga akda awitin. Maari po ninyong ilagay ang bidyo na kayo po mismo ang umaawit. Mas maganda po iyon. Makikita namin ang inyong mga angking galing at talento sa pag-awit.

Sana po ay magustuhan ninyo ang bahaging ito ng ating kumunidad na kayo ang may partisipasyon. Maglalagay po ako ng mga awit kahit isang beses sa isang linggo upang madagdagan ang mga awiting Pilipino sa ating kumunidad. Kaya sa mga mahilig umawit at gumawa ng kanta, halina kayo sa Pilipino community at ipakita ang inyong mga talento.

AkoyPinoy.png

Sa pagkakataon pong ito ay hayaan ninyo po na handugan ko kayo ng isang awit na naririnig ko na noong bata pa po ako. Ito ay awit na nilikha ni Florante De Leon o mas kilala sa FLORANTE.

Ang Pamagat po ng awiting ito ay AKO'Y ISANG PINOY.

Narito po ang Lyrics ng kanta.

Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat Jose Rizal nuo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.

Sa bawat titik ng awit na ito ay nararamdaman ko ang aking pagka-Pilipino sa isip, salita at gawa. Ito ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin upang itaguyod ko at ipagmalaki ang aking pagiging Pilipino.

Sa panahon ngayon marami na ang hindi nagpapahalaga sa sariling wika nating mga Pilipino. Ngunit habang ang lahing Pilipino ay umiiral dito sa mundo, ating ipagmalaki ang wikang Pilipino.

The pictures used are taken from pexels.com.

Ang inyong lingkod,

@pilipino


▶️ 3Speak