Nakahanap ako ng trabaho!

in Freewriters4 years ago

Nakapagtapos ka na ba?

Nagtratrabaho kana ba?

May kaugnayan ba nag trabaho mo sa kurso mo?

Masaya ka ba sa trabaho mo?

Patas ba an trato sa inyo?

Isang masayang pagbati para sa iyo na bumabasa ng aking sulatin! Kung nabasa mo ang naunag isinulat ko tungkol sa “Naranasan mo na bang mapahiya” ito na ang sinasabi kong karugtong nito.

Hayaan mo muna akong ipakilala ang aking sarili, Ako ay labing-anim na taong gulang na sa ngayon, may asawa at isang anak! Kung nagtataka ka bakit ako napadpad sa noise cash at read cash at hive well ang sasabi ko lang isa lang din akong ina na nagnanais na magkaroon ng dagdag na kita maliban sa aking buwanang sahod. Sa hirap ng buhay ngayon kailangan na nating maging practical ang mahalaga wala tayong ginagawang masama at kumikita tayo sa marangal na paraan.

Laking pasalamat ko at Nakita ko ang site na ito na kung saan pwede kong ibahagi ang anumang naisin ko at maari kang kumita sa tulong ng mga taong may mabubuting puso. Hindi man ako kagalingan sa pagbuo ng isang mahusay na sulatin, ngunit determinado ako na mahahsa ito sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat ko dito, at naway manatili kayo sa aking tabi at huwag bibitaw anuman ang mangyari.

Dahil sa pagkakapahiya ko napagisipan kong maghanap ng trabaho na may kaugnayan na nga sa kursong tinapos ko. Nagtapos ako ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Ang kursong ito ang kinuha ko dahil ito ang gusto ng mga magulang ko. Noong una nasabi ko sa sarili ko sige mag-aral ako tatapusin ko ito dahil ito ang gusto nila kahit malayo sa kagustuhan ko sanang maging isang nurse din, dahil na rin siguro sa kahirapan ng buhay kaya nagawa kong magtiis.

Ngunit kalaunan habang nagtatagal naisip ko mas alam ng magulang ang makabubuti para sa anak, kaya siguro sinabi nilang dapat maging isang guro ako. Habang nagtratrabaho ako sa chowking, paguwi ng boarding doon ako nagrereview para sa nalalapit na Licensure Examination. Wala akong pera para magreview sa mga review center kung kayat nag self review na lang ako. Nagawa kong mainggit sa mga pumupunta sa mga review center nasabi ko pa sa sarili ko papasa kaya ako?. Buti pa sila may pera, ako wala.

Isa na rin ito sa naging daan para mas pagbutihin ko pa, pinagsabay ko ang pagtratrabaho sa pagrereview ko, at di ko lubos maipaliwanag ang saya na aking nadama nuong mga panahon nalaman ko na isa ako sa mga mapalad na pumasa.

Yaong tipo na mas nauna pa silang nakaalam kaysa sayo, yaong mas kabado pa sila sa paghahanap ng pangalan ko sa listahan ng mga pumasa. Hindi pa ako naniwala sa balita nila kung kayat pumunta ako sa office ng manager namin at nakisuyo na tingnan ang pangalan ko at laking tuwa ko at napatalon pa ako sa sobrang saya, dahil nagawa ko, nakaya ko, kahit sobrag hirap na pagkatapos ng pagsuuslit nasambit ko na lang BAHALA NA SI LORD!

Napakasaya ko dahil isa din sa mga manager namin ang nakasabayan ko sa pagsusulit ngunit hindi siya pinalad. Napagalaman kong nakailang take na siya ngunit hindi pinapalad. At isa na din ito sa naging daan upang makuha ko ang respeto ng mga katrabaho ko nang malaman nilang isa ana akong licensed teacher. At dito na rin ako tuluyang namaalam sa chowking sa dalawang buwnag pagtratrabaho ko doon upang sa ganoon suungin ang panibagong hamon ng buhay. Dahil alam ko hindi madaling makapasok o mag-apply sa mga paaralan. Ngunit kailangan ko itong gawin upang sa ganoon mahasa pa ang aking kakayahan at magamit ko ang kursong aking tinapos at matupad ko ng tuluyan ang pangarap ng aking mga magulang para sa akin.

Nag-aplay ako sa isang kolehiyo ngunit di ako pinalad. Dumating ako sa punto na parang ayaw ko na ngunit naisip ko minsan pa lamang naman ako sumubok susuko na agad. Niyaya ko ang kamag-anak ko na mag-aply kame sa mga private school, nabanggit niya sa akin na may isang school na nanangailanan ng Filipino major, sabay kaming nag-aplay, at salamat sa Panginoon di na ako pinahirapan pa, natapos ang demonstration at interview at ako ngay natanggap na.

Magkahalong saya at kaba ang nadama dahil di ko lubos maisip na susuungin ko na ang landas ng pagtuturo. Di ko maalis ang kabahan dahil ito na ang unang taon ko upang maipamalas ang lahat ng aking natutunan noong akoy nag-aaral pa lamang.

Akala ko ayos na ang lahat, akala ko wala ng prolema, sa trabahong ito masasabi kong naging masipag at masikap ako, ginagawa ko lahat, dahil may mga asignatura din akong itinuturo na taliwas sa aking major, nahirapan ako dahil nga nangangapa pa ako, ngunit kinakaya ko para sa kinabukasan ng mga bata, ayaw ko namang pumasok sa silid-aralan ng hindi nagbabasa ng leksiyon o ng walang nalalaman at sasabihin sa ma mag-aaral na pasensiya na hindi ko kasi ito major kaya hindi ko alam.

Kayat para na rin akong studyante nag-aaral ng leksiyon sa gabi para may maituro kinabukasan, ganoon naman talaga ang buhay ng isang guro walang katapusang pag-aaral, nakakapagod ngunit wala akong ibang choice kundi ang yakapin ito at mahalin upang sa ganoon maibigay ko ang lahat ng aking makakaya para sa aking mga mag-aaral.

Sa kabila ng lahat ng ito hindi mo maiiwasan na may mga tao pa ring naiinis sa iyo ng hindi mo nalalaman ang dahilan. Naging mailap ang pagkakataong ito para sa akin, yaong tipo na ginagawa mo naman lahat ngunit para sa tingin nila, wala kang ginagawa. May mga taong pasipsip at kung ano-ano ang ipinararating sa may mataas na posiyon na siya namang pinaniniwalaan nila agad sapagkat silay matagal na sa serbisyio at akoy bago pa lamang.

Magugulat ka na lamang bigla na lang papasok ang principal sa loob ng klase mo para mag observe.Sa pagkakaalam ko bago pumasok ang kahit na sinuman upang obserbahan ka sa iyong klase dapat alam mo, dapat naka set ang petsa at oras bago maganap ang isang obserbasiyon. Oo laging handa ang isang guro bago pumasok sa klase ngnunit nasa batas iyan na bago ka magobserba ay dapat aware ang isang guro at hindi biglaan. Ayos lang sana kung dadaanan ka niya ngunit ang nangyai sa akin talagang nauna pa siya sa klase ko at nakaupo na loob dahil nga galing pa ko sa fisrt period ko noong time na iyon.

At sa panyayaring ito, katatapos lamang kasi ng exam kung kayat kinabukasan hindi ako naghanda ng leksiyon dahil magtsetsek kame, sinabi ko ito sa kanya ngunit ang sabi niya, tabaho iyan ng guro at hindi dapat ipinapagawa sa mag-aaral, tinanong niya ang lesson plan ko, kompleto naman ako kaso ang nakalagay talaga sa plan ko sa date na iyoy ay checking of papers, bago ko ibigay sa kanya ang lesson plan book ko pinunit ko ito hindi ko alam kung bakit. Kaya tuloy nasabi niya sa akin make your lesson plan daily. Pero iyon naman talaga ang ginagawa ko minsan advance pa nga ako, kasi nga wala naman akong ibang ginagawa pag-uwi ng boarding na kapitbahay lang ng school gagawa ng leson plan at magbabsa ng leksyon.

Naalarma ang lahat kung kayat silay nakapaghanda o naghanda na baka sila naman ang susunod na pasukan. Isa na namang leksyon ang aking natutunan, nagawa ko naman itawid ang araw na iyon at naging maganda din ang komento niya sa akin, natuwa naman ako sa sinabing mahusay ako sa pagututo ang kulang lang talaga ay ang lesson plan ko. Mula sa araw na ito halos wala na akong oras para kumain ng meryenda dahil napaka strikto nila sa oras, inaagagahan ko ang pagpasok dahil inaannounce nila kung kaninong mag studyante pa ang nasa labas kahit may konting oras pa ang natitira.

Naging mainit din ng mata ng director naming sa akin, dahil nga ang nailagay ko sa resume ko ay isa akong Born Again Christian, ang totoo niyan isa akong Katoliko, ngunit nawiwili na akong pumasaok sa simbahan ng mga born again kaya siguro iyon ang nailagay ko sa aking resume at hindi ko na naitama pa. Lagi nilang hinahanap ang birth certificate ko na para bang hindi ako pwede sa school nila dahil nga ito at private school, at silay katoliko.

Oo katoliko ako ngunit hindi ko alam kung paano gamiting ang rosary, hindi ko memorydao ang napakadaming dasal, dahil nga sa school na ito, labis silang madasalin, laging nagsisimba at araw araw ay may rosary bago magsimula ang klase. Masaya naman ako dahil naranasan ko ding mag scripture reading sa simbahan, masaya na kinakabahan dahil nga para sa kanila isa akong born again. Kahit saan pala tayo mapunta hindi mawawala ng discrimination.

WALANG KATAPUSANG PAMAMAHIYA!

Muli kong narasana ang mapahiya, ang masakit pa diyan sa harap mismo ng aking mag studyante. Naglibot ang aming supervisor na isang sister, at laking gulat ko nang hugutin ang halamang nakatanim sa aming harapan at ibinato ito sa harap ng kalase ko, sabi niya magtanim daw kame ng namumulaklak, kame lang daw ang pangit ang area.

Gusto kong umiyak, hindi ko alam ang gagagwin bakit ganoon sa mismong harap pa ng mga bata, ano na lang ang iisipin nila, papakinggan pa kaya nila ako dahil sa ipinakita niyang walang pagrespeto na kung iisipin isa pa siyang sister, at oo nakakataas siya pero ganoon ba dapat ang iasal ng sang lider. Hindi ko lubos maisip bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin, anong dahilan, anong kasalanan ko!

Isang araw nagkaroon kame ng general cleaning, lahat ay pagod kung kayat ang ginawa ko sa klase ko hinayaan ko na lamang muna silang magpahinga kasi nga nasanay sila na kapag general cleaning hindi na magdadala ng gamit para sa leksiyon, ngunit hindi ko na naman inaasahan na maglilibot si principal dahil wala si director nasa manila nagpapagamot dahil may cancer. Nagulat ako at sinabing bakit wala kayong gnagawa, tapos na ang general cleaning, you should teach sabi niya sa akin, mangiyak ngiyak ako noong time na iyon kasi nga bakit ako lang sa lahat naman walang ginagawa bakit lage na lang ako, naawa pa ang mga bata sa akin kung kayat sila na mismo ay umayos na at sinimulan na ang pagrereport.

Masasabi kong ang lahat ng itoy isa sa naging rason kung bakit ako naging manhid, naging pusong bato, na kumbaga kahit anupang marinig ko na masasakit na salita ay parang wala na lamang sa akin. Isang taon lamang ang itinagal ko sa paaraalang ito. Masasabi ko na ayos lang na naranasan ko ang lahat ng ito dahil nagsilbing malaking leksiyon ito para sa akin na sa susunod na papasukan ko ay alam ko na ang dapat kong gawin upang maiwasan ang lahat ng ito.

Sa susunod na artikulo ko muli kong ikukwento kung nasaan na ako ngayon, sana di kayo magsawang magbasa. Nagpapasalamat pa rin ako sa paaralang ito dahil sa lahat ng naranasan ko mas nanging matatag ako.

Lage nating tandaan na sa lahat ng pagsubok natin sa buhay ay may kapalit na magnada maaring hindi natin makita sa ngayon, hintayin lamnag natin dahil ang Diyos ay hindi natutulog.

Photos are nit mine, I got it from google.
Hanggang sa muli:love ChrisMarie,Kith
00403640.jpg