I got Married

in The Ink Well4 years ago (edited)

Marriage is a great relationship that helps you discover a new dimension in you. It's a path to fulfillment and happiness in life. It's a natural way for males and females who are two different parts of life to come together and find meaning. In fact marriage makes every human being complete.

May asawa ka na ba?

Masaya ka ban?

Tama ba ang naging desisyon mo?

Naisipan mo na bang sumuko?

Ang pag-aasawa ay hindi parang pagsubo ng mainit na kanin na kapag napaso ay pwedeng iluwa!

Mahirap ang pumasok sa ganitong sitwasyon kapag alam mong hindi ka pa talaga handa! Sa murang edad ako'y nagasawa. Dalawamput tatlo pa lamang ako noong akoy ikasal.

Hindi ko lubos maisip na magaasawa ako ng ganito kaaga, oo maraming nagsasabi na ang bata ko pa, alam ko din na madaming humuhusga sa aking noong mga panahong ito!

Nabuntis ako ng wala sa oras, kumbaga hindi oa daw kinasakal buntis na!!

Teacher pa man din!

Sayang ang pinagaralan!

Ang agang lumandi!

Ilan lamang iyan sa mga sabi sabi ng mga taong mapanghusga, kumbaga akalao mo kung sino sila na hindi na makakagawa ng anumang kasalanan sa kanilang buhay!

Oo nabuntis ako bago ako ikasal, ngunit kagustuhan ko ito o ginusto namin ito, alam kong hindi maganda sa imahen ng isang guro ang ganito, ngunit wala na akong magagawa dahil nga nagyari na!

Pinanindigan ko ito, hindi naging madali ang oag-amin ko sa aking ama, oo nagalit sila, kasi nga noong mga panahong ito ikalawang taon ko pa lang sa pagtuturo sa publiko ay hindi pa ako permanente.

Maaring isa din ito g rason para akoy husgahan ng mga tao, ngunit hindi ito naging rason para akoy sumuko.

Nagpatuloy ako sa buhay, ikinasal kame sa west February 14 2018, maliit oa ang tiyan ko noon, minsdali namain ang lahat, tulad nga ng nasabi ko isa akong guro, nakakahiya daw kasi na buntis ka na at hindi pa kinakasal.

Maaga man akong mabuntis at ikinasao hindi ko ito pinagsisisihan, lalo nat nakikita ko ang aking anak na lumalaki ay sobrang pogi nga namam, mana sa akin!LOL!

Sa labing isang taon naming pagiging magkasintahan ng aking asawa masasabi kong siya na nga!

Oo siya ang unat huli ko!!

Wala ng iba!!

Pero sa unat huli na yan may mga oagsubok dn kaming pinagdaanan na siyang sumubok sa katayagan ng relasyon naming dalawa.

Oo nagkatoon siya ng iba at ganoon din ako! Ngunit sadyang kamiy itinadhana sa isat-isa kung kayat hanggang sa huli kamiy muling pinagtagpo at pinagkaisa ng mahal na PANGINOON!!

Mahal ko siya higit sa kahit na sinuman, oo hindi ako perpekto at hindi din ako sweet sa kanya pero may kanya- kanya tayong paraan para ipakita na mahal natin ang isang tao.

Mahal ko ang pamilya ko, iyan ang mahalaga khit ano pa man ang sabihin ng jbang tao.

Masaya ako sa piling nila kahit may mha taong namumuhi sa aming pagsadama.

Magsasaka ang asawa ko, kaya nga di ko maiwasang makarinig ng mga salita o mga pasaring mula sa ibang tao.

Bakit daw siya, dapat daw nag asawa din ako ng propesiyonal o kagaya ko na isang guro.

Bakit ganoon sila mag-isip, hindi naman porket may natapos ka na ay ganoon na dn ang mapapangasawa mo. Nagtapos ang asawa ko ng two years course, ngunit hindi na niya ito nagamit oa dahil mas priority niya ang bukid dahil ito ang kinalakihan niya.

Minsan nahihiraoan din ako dahil nga hindi naman araw araw may kita ang asawa ko hindi naman araw araw Ay anihan ng palay at mais kung kayat minsan o palagi sa akin o ako talaga ang gumagastos para sa amin.Mahirao din kasi hanggang ngyon wala pa kaming sariling bahay

Magastos Kasi nga kailangan dn naman magbigay pata sa pang araw araw na pagkain, dalawang bahay ang binibigyan ko, sa biyenan ko kung saan kame nakatira tuwing akoy may oasok sa school at sa bahay ni papa kung saan kame tumutuloy tuwing bakasyon, no permanent address kumbaga.

Tinitiis ko ang lahat ng ito sa ngayon at sana maging ok na ang kahat at ng sa ganoon makapagpatayo na rin ke ng sarili naming bahay.

Dalawang taon na ang aking anak, tatlong taon na kaming kasala sa west at magdadalawang tain ng kasal sa simbahan, Opo fama ka dalawang hese kaming ikinasal, siyempre lahat naman ng kababaihan ay gusto ding maglakad papuntang altar suot ang magandang gown, naging simple lang ildin ang aming kasal at least naranasan ko ding maglakad sa sa simbahan papuntang altar.

Oo dumating din ako sa punto na gusto ko ng sumuko, ayaw ko na , hindi ko na kaya, ngunit sa tuwing makikita ko ang maamong mukha ng aking anak, naiisip ko, kakayanin ko para sa pamilya ko, para sa anak ko.

Ayaw ko siyang lumaking walang ina o ama kung kayat gagawin ko ang lahat para hindi mabuwag ang aming pamilya sa kabila bg mga pagsubok na aming dinaranas sa kasalukuyan.

Hindi madaling maging asawat ina ngunit hindi ito ang dahilan para akoy sumuko kundi nagsisilbi itong Inspirasyon para akoy maging matatag at matibay na ina ng aming pamilya.

Minsan sa buhay natin may mga bagay na nangyayari na hindi natin okinaasahan,kaya kailangan lage tayong handa at manatiling matatag, huwag susuko ng basta basta.

Hindi ko alam kung naunawaan niyo ba ang aking isinulat, basta ang masasabi ko na lamang sa iyo, magisip ka bago mo gawin ang isang bagay na kahit kailan ay hindi mo na pwedeng bawiin o hindi mo na maibabalik pa sa dati.

Pagisipan mo ng mabuti para sa huli hindi ka magsisi.

Kakayanain ko para sa pamilya ko.

True love stands by each other's side on good days and stand closer on bad days"

The more na nahihirapan tayo mas lalo tayong tumatatag!!

Thank you for reading!!
FB_IMG_1554700108622.jpg

Sort:  

Congratulations @kith! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 10 upvotes.
Your next target is to reach 50 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

Hive Tour Update - Governance
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!

Congratulations, @kith. As you find your way around Hive, be sure to look for communities to join. You have published your post in a community for short story writers, so we are not the best audience for your post. To explore communities, just go to the top of the window and click Communities, then click All Communities.

Good luck and best wishes!

Thank you for telling me that dear!

The way you started and ended this write-up in English is a bit confusing, given I just scrolled right through all the in-betweens.

Nonetheless, I believe congratulations is due. So cheers mate!

To living, and loving!

Thank you dear im sorry if you got confused im jot a good writer though!

Have a nice life! And happy marriage!

Thank you dear

Welcome to the blockchain of married life. You will experience many bugs along the way, but trust the code, it is law.

Thank yo dear your a senior high school teacher too.

Yes po, taga print ng modules at SLM’s Batangas Province Division, District of Mabini

Same here dear kanya kanyang print po kame from cagayan.